Chapter 18

50 22 0
                                    

Walang hihigit

"Aalis na muna ako, Thrym. Nandito na  yung bo...boyfriend ko." Kinakabahan kong paalam ni Thrym, nanlaki ang kanyang mga mata.





"May roon ka na palang boyfriend. Wala na bang paasa?" Tanong ni Thrym. Hindi ko na siya sinagot sa halip ay umalis na ako sa harapan niya.






Nakita ko si Tanyo na hanggang ngayon ay laglag parin ang kanyang mga panga, parang segundo nalang ay susugurin na niya si Thrym. Natatakot ako, kinakabahan akong lumapit sa kanya. Nakasuot siya nang black jeans, at V-neck na color  gray na t shirt. Shet! Ang gwapo niya. Sa halip ay matakot ay pinagnanasaan ko na siya.






"Bear." Sugod kong sabi sa kanya ngunit hindi niya lang ako pinansin. Pinagbuksan niya lang ako nang pinto sa kotse bago siya lumipat sa kabila.






Wala akong magawa kundi ang pumasok nalang. Hindi ko rin kasi gusto na sa labas kami magtampuhan. Hindi ko gusto na maraming mga tao ang nagkakatinginan samin. Sinimulan na niya ang pag andar nang susi at nagmaneho. Nang magsalita ako.





"Tanyo...." sabi ko ngunit hindi niya parin ako nililingon, naramdaman at nakita ko kung paano niya hinawakan nang mahigpit ang manibela.






"Tanyo, si Thrym lang yun. Classmate ko siya noon." Panimula ko. Tinigil niya muna ang sasakyan bago lumingon sakin.






"May relasyon ba kayo noon?" Tanong niya.



Godd! Natatakot akong magsalita. Pero mas natatakot akong magsinungaling sa taong mahal ko. Kailangan ko na yatang sabihin sa kanya ang relasyon namin noon ni Thrym. Siguro, hindi na siya magagalit dahil past ko na siya. Wala nang mas hihigit sa kanya.






"Boyfriend ko siya noong High school. Wala ka na dapat pang pagselosan pa. Dalawang buwan lang ang nag tagal namin." Sabi ko ngunit parang hindi parin siya sang ayon sa mga sinabi ko dahil nakakuyom parin ang mga kamay niya.






"Boyfriend mo na siya noon pa, naghiwalay agad kayo, pero bakit ang tamis tamis niyong dalawa kanina? Parang kailan lang hindi kayo nagkita! Ang laki pa nang tawa niya nung makita ka niya. Parang gusto niya pang makipagbalikan sayo, Peach!" Giit niya. At napangiti nalang ako nang palihim dahil namumula na ang kanyang mukha sa galit.






"Paano mo naman nasabi yan? Ganyan lang talaga si-"


"Anong ganyan lang?! Alam ko kung ano ang mga kinikilos nang mga lalaki Peach! Alam ko! Lalaki rin ako, at ramdam na ramdam ko na gusto niya pang makipagbalikan sayo! Kung ano ang akin, ay akin lang Peach! Ayaw ko nang kahati sa mundong ito." Ani Tanyo.







Agad akong lumapit sa kanya hinay hinay at hinawakan ang kanyang namumulang mukha. Godd, how can i describe his fucking features? Ang cute niya pagnamumula.





"Don't be jealous right now, bear. Hindi ako makikipagbalikan sa kanya, okay? Wala nang mas hihigit sayo, dahil sobra sobra ka na para sakin." Sabi ko sa kanya na parang inaalo na bata.







"Mahal kita." Sabi niya at lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi nang mas mainit na kanyang mga halik, bumigay agad ang aking puso sa kanya.





"I love you too." Sagot ko sa kanyang sinabi sa gitna nang aming mga halik.





Una rin siyang humiwalay at tumingin sa akin, nagkatitigan muna kami. Ilang segundo ang nagdaan ay agad niya akong hinalikan sa aking noo, at hinalikan niya rin ang aking ilong. Bago siya bumitaw sakin.






"Iuuwi na kita." Sabi niya.






Pag uwi ko sa aming bahay ay ibinigay na rin sakin ni Tanyo ang aking susi. Magcocommute nalang raw siya pag uwi niya. Tetext at tatawagan niya rin ako mamaya pag nakarating na siya. Dating gawi lang naman.





Pagpasok ko sa aming mansion ay nadatnan ko na kaagad ang aking kapatid na walang ibang ginawa kundi ang maglaro nang mobile legends sa kanyang cellphone at nakaharap sa tv na nakaandar ngunit hindi naman ito nanonood. Pumunta ako sa harapan niya at pinatay ang tv. Ang sayang nang koryente.






"Nakikinig ako, Ate." Sabi ni Chase. Naramdaman niya pala ang presensya ko.






"Good evening too, silly boy." I said sarcasm to my brother, but he didn't bother to talk to me.






Umalis nalang din ako sa kanyang harapan at nagtungo kaagad sa kwarto ko para magbihis at gawin ang aking mg unfinish business ko. Dali dali muna akong pumunta sa shower at dinama ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking makinis na balat.





Tapos na rin akong magbihis nang pajama at damit ko na pantulog. My phone vibrated, agad ko itong tiningnan kung sino ang nag text sakin. Unknown number. Who is this?.




Unknown #:

It's such a shame when lovers became strangers. Sent 7:47 p.m




Who the fuck is this?! Sino ba to? Baka wrong number lang ito. Pinili kong hindi nalang ito pansinin. Bigla na naman nagtext sakin!




Unknown #:

It's Thrym. I forgot to introduce. Nakuha ko number mo kay Violet. Please reply.




Si Thrym? Ginamit niya pa talaga si Violet para makuha ang number ko. Pero mabait akong tao nireplyan ko na sana nang biglang tumawag sakin si Tanyo.





"Bear?" Sagot ko kay Tanyo. Hindi parin siya nagsalita.





"Magandang gabi, bear. Muntik ko nang makalimutan na tawagan ka, may ginawa lang kasi ako. Kamusta ka?" Tanong ni Tanyo.

Nakalimutan? Anong nakalimutan niya?! At bakit may naririnig akong kakaiba sa mga linya niya?  Pinili ko nalang na hindi ito pansinin.





"Kamusta agad? Bago nga lang tayo nagkita kanina." Sabi ko sabay tawa.





"Papatayin ko na ito- Tanyo, extrang damit pa ba dyan?" Rinig ko na may babaeng boses sa kabilang linya. Pamilyar ang kanyang boses! Si Rita!





"Papatayin ko na ito, madam." Paalam ni Tanyo at hindi man lang ako pinagsalita.






The fucking shet?! Anong ginagawa nila ni Rita ngayong gabing to? At bakit siya nagpapaalam na kung may damit ba si Tanyo? Wala ba siyang damit?! Dafuck! At bakit bigla nalang akong tinawag ni Tanyo na 'Madam'. Oo, i remember what we promised together, not to tell everyone about us! Bakit silang dalawa lang ni Rita? Ito ba yung sinabi niya 'may gagawin siya?'





Natauhan nalang ako nang nagtext na naman si Thrym sakin. Hindi ko pa kasi sinave ang kanyang contact number.





Unknown #:

I understand it, Peach. Forget it.





Me:

I'm so sorry, Thrym. I forgot to text reply to you. My boyfriend called me a minute ago. Sorry talaga. Ngayon ko lang nabasa.






Unknown #:

It's okay.





******

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang