Chapter 7

67 26 1
                                    

Bagay kayo

Bumungad saking harapan  ang kapatid kong si Chase na dala dala ang kanyang Monster X na Skateboard. Siguro may schedule siya ngayon kaya siya nandito.

"Ate, samahan mo raw ako sa bahay nang classmate ko. Dito lang malapit sa La Fortuna. Sabi ni daddy ikaw nalang daw sasama sakin. Umalis si Mommy , nagpunta sa parlor. Pleaasee ate."

Sus! Mukha na namang tuta ang kapatid ko na naghahanap nang kaibigan para mauto na naman.

"Noo. Busy ako Chase." Biro ko.

"You're just kidding me Ate. Hali ka na! Please. Malelate na ako sa Skateboarding ko. Magbihis ka na ate."

Wala na naman akong magawa kundi samahan si Chase sa kanyang skateboarding dito lang naman daw malapit sa La Fortuna. Sa bahay nang classmate niya. Agad akong bumangon at nagpunta sa shower. Pagkatapos ay nagbihis na agad ako nang aking damit. It's just a plain pastel  lime green dress and a flat sandals na inamorata.


Naglagay ako nang makeup saking mukha. Yes, i know how to  dress up my self, how to put make up on my beautiful face. Thanks to my Cousin, Lavender, she tought me well. Since she's starting modelling in sixteen years old in California. Tinanggap niya kasi ang Model Agency kay siya nandun ngayon. Lavender is a talented woman and a beauty queen.


Marami narin siyang trophy na nakuha at natanggap sa kanyang pagiging beauty queen. You can call her a goddess, yet perfect and sophisticated woman. At ako? Isa lang namang immature brat na walang magawa kundi ang gusto ko. But my parents never compare me to Lavender. Kasi hindi lang naman ako ang nag iisang bulakboy kundi ang dalawa ko pang pinsan.

Si Violet. Violet is a beautiful woman too. Pero hindi mo mapagkakaila na uto ka pala sa kagandahan niyang taglay dahil isa lang naman siyang tibo. Hindi siya Tomboy pero panlalaki ang porma niya. May nagustuhan nga siyang babae, and the most complicated part is, may nagkakagusto sa kanyang lalaki. Natawa nalang ako sa sitwasyon niya.


Si Dark? Nah. He's just some jerk. Casanova ang peg niya. Maraming ka fling fling. Walang magawa sa buhay niya kundi bar duon, bar dito. Babae sa kaliwa. Babae sa kanan. Pero maski isa wala pa siyang napag buntisan. He don't do Commitments. Wala siyang plano sa buhay niya. Wala parin naman kasing nagpapatibok sa kanyang puso. Cold heart. Manhid si Dark.

Magkaiba kaming tatlo nang mga talento yet, mga gawi namin. Ako na immature yet brat. Lavender na Beauty queen slash model slash sophisticated woman slash goddess equals perfect, wala ka nang masabi sa kanya. Violet na boyish yet complicated. Dark na casanova, yet cold hearted. Yan kaming magpipinsan.


"Ate! Halika na! Akala mo naman sasali ka sa skateboarding namin. Dinaig mo pa yung judge namin sa tagal nang pagpapaganda.! " ani Chase.


"Shut up Chase before i change my mind." Sabi ko naman. Kanina pa kasi siya naghihintay sa kin sa baba, siguro naubos na pasensya niya sa kakahintay niya sakin.

Bumaba na kami ni Chase. At nauna pa talaga siya papunta sa kotse ko. Binuksan niya ang pinto sa likod para ilagay ang kanyang mamahaling skateboard at lumipat sa harap para dun umupo. Binuksan ko na rin ang pinto kung saan banda ang manubela at sinimulan ang pag dadrive papunta sa bahay ng classmate ni Chase dito lang malapit sa La Fortuna.


"Sinong classmate mo ang pupuntahan natin sa kanilang bahay Chase?" Tanong ko sa kapatid ko na busy sa paglalaro nang mobile legends ka kanyang cellphone.

"Si Miguel, ate. May kuya pala siyang nagtatrabaho sa hotel natin. Parang pamilyar ang kuya niya. Siya ba yung nakita ko loptop mo?" Sabi ni Chase.

Hindi ko nalang pinansin ang huling sinabi ni Chase dahil wala naman akong balak alamin kung sino yung kuya nang kaklase niya. Marami rin naman kasi akong kaibigan sa facebook na mga lalake.

"Pogi ang kuya niya ate. Parang bagay kayo." Sabi ni Chase.

Nilingon ko ang kapatid ko dahil sa sinabi niyang bagay raw kami nang kuya nang kaklase niya? Eww. Busy parin siya sa paglalaro habang nag sasalita si Chase. Ni hindi nga ako magawang tingnan eh. Pano naman niya nasabe? Hindi ko binigyan nang isang salita ang sinabi ni Chase. Hindi rin naman ako interesado sa mga sinasabi niya.


Nang malapit na kami sa pupuntaha namin ay agad ko nang pinark ang kotse ko sa tapat nang basketball court. Nakikita ko ang mga batang halos kaedad lang ni Chase ang mga ito na naglalaro nang mga Skateboard. Ito na ba ang tinutukoy ni Chase. Sabi niya sa bahay nang kaklase niya? Bakit dito sa basketball court?

"Chase, sabi mo sa bahay nang kaklase mo? Bakit dito sa basketball court?" Tanong ko kay Chase.

"Wag ka nalang mag tanong ate. Dito sa basketball court gagawin ang skateboarding at sa bahay muna tayo nang kaklase ko pupunta kasi sasabay ako sa kanya. Alangan naman sa bahay kami niya mag ska skateboard." Sabi ni Chase.

Nakatunganga nalang ako sa huling sinabi nang aking kapatid. Okay, hindi ako nag iisip. Hindi ko rin naman type ang ginagagawa nang kapatid ko. Lumabas na si Chase nang kotse at kinuha ang kanyang skateboard. Matapos ay iniwan na lang niya ako. Wala akong magaw kundi sundin kung saan siya papunta kasi naman tumingin pa siya sa likod na para bang sinisiguro na sumusunod ako.


Pumasok kaming dalawa ni Chase sa mga maliliit na eskinita. Nadatnan ko ang mga lalaking nakatingin samin, lalong lalo na sakin. Mga manyakis! Hindi ko nalang sila pinansin at sinundan ko nalang ang kapatid ko. Na walang awang pumasok sa mga maliliit na mga bahay. Masasabi mo talagang eskwater area to pero sabi ni Chase hindi naman daw ito eskwater Area. Mga may kaya lang daw ang mga nakatira. Hindi mayaman at hindi rin pulube.

May mga mayayaman naman daw na mga nakatira dito. Namangha ako sa nakita ko, sa kabila nang maliliit na eskinita ay makikita mo na ang nag gagandahang mga bahay. Tama nga si Chase .may  kaya ang mga nakatira dito kahit na maliliit na bahay lang ang mga ito masasabi mong maganda talaga.



Pumasok si Chase sa bahay nang kaklase niya. Nagdadalawang isip pa ako kung susundan ko ba ang kapatid ko o hindi. Kasi hindi man lang niya ako sinabihan na sumunod sa kanya. Kaya pumasok nalang din ako baka may kung ano pang mangyari sakin.

*******

Chasing Love - Peach Villamonte (La Fortuna #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now