Sabeeel... This Must Be Loooveee

4.9K 95 0
                                    


BEAUTY was devastated. Hanggang pag-uwi niya ay hindi siya makausap ni Sashing. Tulala lang siya habang nakasakay sa jeep. Panay ang pagsasabi sa kanya ni Sashing na kinabog naman daw niya ang mga kasabayan niya sa audition at shonga ever raw ang direktor dahil hindi siya nito pinili. Hindi nagtagumpay si Sashing na pasayahin siya kaya sa huli ay nakipag-flirt na lang ito sa cute na lalaki na kasakay nila sa jeep. Mukhang type din naman ito ng lalaki dahil bago sila nakababa ay nagkapalitan na ang mga ito ng number.

Beauty was really devastated. Buti pa si Sashing, kahit walang career, napapansin naman ng mga lalaki, kasehodang silahis man ang mga 'yon o bading din. At least sa isang aspeto ng buhay nito, hindi ito malungkot. Samantalang siya, halos magmakaawa na siya kanina, pero hindi man lang siya tinanggap ng direktor. Pagkasakit-sakit pakinggan, pero na-reject siya. At wala nang mas masakit sa isang babae maliban sa rejection, sa love life man 'yon o sa career.

Nang makauwi siya ay nakita niyang parehong nanonood ng Bona ni Nora Aunor ang mga magulang niya. Mahigit limampung beses na yata nilang napanood iyon kaya alam niyang style lang iyon ng mga ito para hindi mahalatang hinahantay siya ng mga ito.

"Kumusta, anak?" tanong ng tatay niya, hindi inaalis ang tingin sa TV screen.

See? She was right. "Rejected po," mabigat ang loob na sabi niya.

Umiling ang nanay niya. "Tigilan mo na 'yang mga audition na 'yan, Beauty. Humanap ka na ng matinong trabaho. Gasino lang ang kinikita mo sa comedy bar na 'yon. Hindi pa kanais-nais ang mga katrabaho mo."

"Malay niyo po..."

Pinutol na siya ng nanay niya. "Matagal mo nang sinasabi sa 'min na baka ma-discover ka sa comedy bar na 'yan. Hindi naman nangyari. Nahihirapan na rin ako, anak. 'Di bale kung wala kaming gamot na kailangang inumin ng tatay mo. Pag-isipan mo naman," halatang masama na rin ang loob na sabi nito, pagkatapos ay pinatay na ang TV. "Tara na, matulog na tayo," sabi nito sa tatay niya.

"Hindi pa tapos," angal ng tatay niya.

"Alam mo na naman ang ending niyan. Saka, iba pa rin ang acting ni Ate Vi."

Maya-maya pa ay nagdedebate na naman ang mga ito habang papunta sa kuwarto ng mga ito. Ni hindi man lang siya tinanong kung nakakain na ba siya. Alam naman ng mga ito na kapos ang ibinaon niya kanina. Nagtungo siya sa kusina at binuksan ang kaldero. Sardinas na natuyuan na ng sarsa ang ulam nila.

She felt so bad. Kung isa lang siyang sikat na aktres, malamang na caviar pa ang kinakain nila—kung ano man 'yong caviar na 'yon. Nagi-guilty din siya na limitado ang suweldo na naibibigay niya sa magulang niya. Samantalang ang mga kasamahan niya noon sa kursong Broadcasting, malalaki na ang kita.

Dumulog siya sa mesa at pinagtiyagaan ang sardinas. Naalala pa niya kung paano siya nagmakaawa kanina na bigyan ulit siya ng tsansa...

"Bakit naman po hindi ako tanggap?" puno ng kapaitan na sabi niya.

"Pakiramdam ko kasi ay pinagti-trip-an mo lang kami," sagot ng direktor. "Penoy? May mag-jowa bang penoy ang tawagan?"

"Eh ano naman po kung weird?May mag-jowa nga po na nagtatawagan ng pangit. O kaya baliw. Saka wala naman po sa tawagan 'yon, nasa emosyon—"

"Kahit pa, pakiramdam ko pinagti-trip-an mo lang kami."

"Hindi po. Seryoso po ako. Gusto ko po talaga 'to," maiiyak nang sabi niya. Ngayon ay naiintindihan na niya ang nararamdaman nang babaeng muntik nang maglambitin sa tarpaulin. "Kailangan po ng pamilya ko 'to. Hindi po kasi gano'n kalaki ang sahod ko. At pangarap ko po talaga 'to!"

Not Like In The Movies (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon