Every Romcom Ending Ever

6.8K 164 21
                                    


KASALUKUYANG ino-okray nina Beauty at Valyena sa entablado si Sammy—bakla na kasama sa audience na kamukha ni Mr. Bean.

"Ano namang reaction ng boyfriend mo na mas mahaba pa ang bigote mo sa kanya?" tanong niya kay Sammy. Nagkatawanan ang mga tao sa paligid niya. At habang nakatingin sa masasayang mukha ng audience, doon niya na-realize na maling-mali na magpatalo siya sa depression niya.

Eh ano kung bigo siya sa pag-ibig? Ipinagpalagay niyang kung may tatlong taong nabo-brokenhearted bawat oras, ibig sabihin may seventy-two na taong umiiyak dahil sa pag-ibig bawat araw. Maybe even more. Hindi siya nag-iisa. Mas common pa yata ang wasak na puso kaysa sa common cold.

Eh ano kung hindi bongga ang career niya? Masaya naman siya sa ginagawa niya. Not everything is about money, anyway.

Tingin din niya, marami pa rin siyang dapat ipagpasalamat. Kaya nang gabing iyon ay hinayaan niyang unti-unting lumitaw ang dating Beauty—ang Beauty na positibo sa buhay.

"Type na type po ng boyfriend ko ang bigote ko," maarteng react ni Sammy.

Sari-sari nang kabastusan ang naisip ni Valyena dahil sa sinabi ni Sammy. Natatagpuan niya ang sarili niyang nakikitawa sa mga ito. And it was not a fake laugh. It was real.

Natapos na rin ang pang-aasar nila kay Sammy. Pinababa na nila ito sa stage pabalik sa boyfriend nito na tila nahihiya. Akmang aalis na siya sa stage dahil oras na nang pagkanta ni Queen Laki-faah, nang bigla siyang tawagin ni Ate Kim at senyasan na manatili doon. Naiwan na tuloy siya ni Valyena.

"Bakit po?" she mouthed. Dahil hindi talaga niya alam kung bakit hindi siya nito pinapaalis. Bigla tuloy siyang ninerbiyos. Hindi na nasagot ang tanong niya dahil nakarinig na siya ng tilian. Biglang nahawi ang mga tao at nakakita siya ng bulto ng isang lalaki na palapit sa kanya.

Bigla na lang kumabog ang dibdib niya. Dahil kahit dim ang ilaw at hindi niya nakikita ng maayos ang lalaki, nakilala na agad iyon ng puso niya. Para siyang itinulos sa stage. Hindi siya makagalaw. Nanunuyot ang lalamunan niya. Bigla siyang nanlamig.

Si Gavin lang ang may ganoong epekto sa kanya.

At unti-unti na ngang lumalapit si Gavin, nakangiti, hindi pinapansin ang mga babae at bading na kumukurot dito at tumitili na parang kinikilig. Nakatuon lang ang sa kanya ang mga mata ni Gavin, na tila mas lumalim, ngunit magaganda pa rin. Kumikislap pa rin. Paakyat na ito sa stage, at naging mas dahan-dahan ang lakad nito, tinitingnan ang magiging reaksyon niya.

Maybe he saw something positive on her face because he kept on walking until they were face to face. Nagtitilian na ang lahat.

"Bakit ka narito?" pabulong na sabi niya rito.

Hindi nito sinagot ang tanong niya. Kinuha nito ang isang microphone sa mic holder at nagsalita. "Para ipagsigawan sa lahat ng tao kung sino ang babaeng mahal ko."

Lalong lumakas ang sigawan.

"Hindi ako magaling sa salita, Beauty. Magaling lang akong magkabisa ng script. Pero tandaan mo, na kung ano man ang sasabihin ko sa 'yo ngayon, hindi scripted 'to. It's from my heart," sabi nito, sabay turo sa dibdib nito. "Marami kang bagay na sinabi sa 'kin noong mag-away tayo sa parking lot. 'Sabi mo, hindi ka bagay sa mundo ko. Sira ka ba? Ikaw ang mundo ko. Kapag nawala ka sa tabi ko, hindi ako mabubuhay. Mag-e-exist ako, totoo 'yon. Pero hindi ako mabubuhay."

Parang mawawalan na ng lakas ang mga tuhod niya. Nagayuma siya ng mga mata ni Gavin, gustong pakinggan ng puso niya ang mga sinasabi nito.

"'Sabi mo, balang-araw, makakakita din ako ng mas deserving pa sa 'yo. Mas maganda. Mas matalino. Mas talented. Perpekto." Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Boring kaya ang perpekto. Saka ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na 'wag mong mamaliitin ang sarili mo? You keep on telling me about your flaws but you know what? Those imperfections contributed to this feeling I have for you. I don't need a perfect woman..." Nakita niyang tila namamasa na ang mga mata nito ng luha. "I need you."

Siya man ay naluluha na dahil sa huling linya nito. Mainit na ang dugong dumadaloy sa katawan niya at tuluyan na nitong natitibag lahat ng insecuties na mayroon sa puso niya. She just wanted to hug him. Kiss him, even. Alam niyang tuluyan na siyang mapapasuko nito...

"Siguro nga nasaktan kita nang pinagsabihan kita sa away niyo ni Ivana. I apologize for that. I was just worried sick—sa 'yo, hindi kay Ivana."

Doon lang niya naalala ang mga sinabi sa kanya ni Ivana sa party. "Pero hindi naman talaga ako bagay sa 'yo. Mas bagay ka sa tulad ni Ivana. Tingnan mo nga ako. Ang chaka ng make-up ko, ang weirdo ng wig ko, ang cheap ng gown ko. Samantalang ikaw—"

"I would love to embrace your crazy life, Beauty. That includes your make-up, your wig and your gown. I love you. At 'wag mong iisipin na hindi ka espesyal. You're the only one who brought me this wonderful feeling. You even made me pbsessively think of you. Kaya 'wag mong asahan na pakakawalan kita ng gano'n-gano'n lang."

"Seryoso ka ba diyan?" garalgal ang tinig na sabi niya.

"Handa akong magpatawag ngayon ng judge, because I mean it with all my heart."

Doon na tuluyang nadurog lahat ng pagdududa sa puso niya. Siya na mismo ang kusang yumakap dito. Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito at nilanghap ang katawan nito. She missed him so badly. Hindi rin naman ito magkandatuto sa paghalik sa ulo niya.

"Sorry," sabi niya. "Sorry na hinayaan kong kainin ako ng insecurity ko. Sorry na kahit mahal na mahal kita, nasaktan kita dahil lang feeling ko, inadequate ako sa 'yo. Sorry kasi—"

"Enough," putol nito sa sinasabi niya. "Just kiss me and everything would be okay."

And so she did. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila, pero hindi na niya masyadong pinansin iyon. Parang magic na naging sweet na background music iyon sa pandinig niya. Hinayaan na lang niya ang sariling tangayin ng mainit at mapagmahal na halik ni Gavin, kasehodang mapaling pa ang wig niya.

In short, she was so happy.

TULUYAN nang in-announce ni Gavin na si Beauty ang nobya nito in national television. May mga taong natuwa dahil nalaman ang buong love story ng dalawa, pero tulad nang inaasahan ni Lolita, mayroon ding mga taong naging negatibo ang reaksyon.

Kasalukuyang na-a-almusal si Beauty sa condo ni Gavin, binabasa ang isang article sa isang tabloid na nagsasabing baka maapektuhan raw ang career ni Gavin dahil palengkera at 'babaeng bakla' raw ang girlfriend nito. Hindi tuloy niya mapigilang ma-depress kahit umagang-umaga pa lang.

Nabigla siya ng hugutin ni Gavin ang diyaryo mula sa kanya. Kunot ang noong tinitigan nito ang article. Pagkuwan ay napailing ito. "Ignore it. It's crap."

Tumabi ito sa kanya at nag-almusal na rin.

"Pero... paano kung maapektuhan ko nga ang career mo?" kagat ang labing sabi niya.

"That's impossible. Hindi naman gano'n kalaki ang issue na 'to. Isa pa..." Tumingin ito sa kanya. "I love you so much that you're more important to me than my career. Hindi pa ba obvious iyon? Ipinaglaban pa nga kita sa manager ko. Kung mabawasan man ang kasikatan ko dahil alam nilang taken na ako, so what? Basta kasama kita, kontento ako." Sumubo ito ng sausage. "I can still act on theater anyway."

Napangiti siya, sabay abot ng kamay nito. Napatingin ito sa kanya. Tumagal sila sa posisyong iyon, walang sinasabi sa isa't-isa. Nagngingitian lang. Pinanonood ang bagsak ng paghinga ng bawat-isa. Their eyes seemed to be making love—metaphorically, of course.

"I love you," she said

Nagkislapan ang mga mata nito nang marinig ang sinabi niya. Ganoon din ang naging reaksyon nito ng ibulong niya ang mga salitang iyon kagabi, when they were making love—literally and figuratively.

"Do you mean that?" he asked.

She held his cheeks then kissed him, to show him how much she meant it.

WAKAS

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now