You're nothing, but a second rate...

4.2K 92 1
                                    


IKALAWANG araw ng taping nina Gavin. Nasa isang garden resort sila sa Tagaytay.

Dahil hindi pa sasalang ang lalaki eksena, tumabi ito kay Beauty. Gusto itong pigilan ng mga stylist dahil nakaupo siya sa damuhan pero sa huli ay walang nakapagpahinto kay Gavin sa gusto nito. Pinanonood niya ang walang ka-kuwenta-kuwentang acting ni Ivana habang kinakabisado naman ni Gavin ang script nito sa tabi niya.

"Beauty," biglang tawag nito sa kanya maya-maya.

Nilingon niya ito. "Hmm?"

Hindi ito nakapagsalita. Parang nahihiya ito sa sasabihin nito.

"Bakit? Ano'ng gusto mo?" tanong pa niya. "Tubig? Pagkain?" Kiss?, gustong-gusto niyang idugtong.

"Nah." Napayuko ito. "Tulungan mo naman ako dito sa script ko. I-de-deliver ko 'yong dailalogue ko sa scene twelve sa harap mo. Tapos, sabihin mo sa 'kin kung okay ba o kulang sa emosyon."

That was actually a weird request for a personal assistant, pero sino naman siya para umalma? "Sure."

Inilapag nito ang script nito sa kandungan nito at pinakatitigan siya. Sabihin nang corny siya, pero pakiramdam niya ay binibihag siya ng mga matang iyon.

"Can I start now?" sabi nito.

"Hindi ka pa ba nagsisimula?" tanong niya.

"No."

"Hindi ba kasama sa script na titigan mo 'ko?"

He smiled. "Not really. I just like looking at you."

Her heart raced inside her chest. "Tama na nga 'yang pang-uuto mo sa 'kin. Simulan mo na."

Hindi nito inilayo ang tingin nito sa kanya nang simulan nitong i-deliver ang mga linya nito. "Marami akong gustong sabihin sa 'yo, kaya kita pinapunta rito, Beauty."

"Teka, teka," pigil niya rito. "Bakit Beauty? 'Maricar' ang pangalan ng bidang babae sa pelikula n'yo."

He just grinned. "It would be weird calling you in a different name. Puwede ko na bang ituloy?"

Weird ba 'yon? Parang mas weird nga 'tong ginawa mo. "B-bahala ka."

Nagpatuloy naman ito. "Gusto ko lang sabihin na... may gusto ako sa 'yo, Beauty."

Bahagya siyang napayuko nang marinig niya iyon. Tumibok ng mabilis ang puso niya. Impit na rin siyang tumititli sa loob niya. Pilit niyang ipinaalala sa sarili na hindi nito totoong sinasabi nito sa kanya ang mga salitang iyon. Kasama lang iyon sa script nito.

Pero feel na feel pa rin ng long hair ko...

"Hindi ko alam kung kailan o paano nagsimula. Basta nagising na lang ako isang araw, ikaw na ang unang naiisip ko. Para akong baliw, nakangiti ako, panay ang tawag ko sa pangalan mo. Beauty, Beauty, Beauty..." the way he spoke her name was so sexy, she could hear it echoing in her ears. "Kita mo? Marinig ko pa lang ang pangalan mo, natataranta na ang puso ko..."

Bigla nitong kinuha ang kamay niya, at itinapat iyon sa dibdib nito. Napalunok siya nang paulit-ulit, lalo pa nang maramdaman niya ang tibok ng puso nito sa palad niya. Mabilis at malakas iyon—pero siguro ay dahil kinakabahan ito na baka may makalimutan itong linya. But still, feeling his heartbeat was enough to warm her blood, to make every nerve of her body alive.

Ang isang kamay nito ay dumako sa baba niya at itiningala siya nito para magtagpo ang mga mata nila. "Nasa script kasi na nakatingin ka sa 'kin..." he said. "Look at me, please."

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now