One More Chance (Cathy Garcia Molina)

4.4K 98 3
                                    


LINGGO. Araw iyon na nagba-bonding ang pamilya ni Beauty. Nasa sala siya kasama ang magulang niya, nanonood ng The Flor Contemplacion Story.

"Iba talaga ang acting ni Guy," humahangang sabi ng tatay niya. Tahimik namang nanonood ang nanay niya, umiismid paminsan-minsan.

Lumilipad naman ang utak ni Beauty. Kahapon kasi, nag-text sa kanya si Gavin. Ang unang text nito, nasasabi na magkakaroon ito ng interview sa isang talk show sa Miyerkules. Sa pangalawang text, sinabi nito na magkakaroon ulit ito ng taping sa Sabado.

Ang pangatlong text naman, maikli lang, walang shortcut, walang emoticons: I'm sorry.

Kahit 'k' ay hindi man lang niya nakuhang mag-reply.

Kalagitnaan ng pelikula ay biglang may kumatok sa pinto nila. Nabuwisit tuloy ang tatay niya.

"Sino naman kaya 'yan? Gabing gabi na ah."

Exaggeration lang 'yon ng tatay niya. Alas-otso pa lang ng gabi. Ayaw lang talag nitong maistorbo sa panonood ng pelikula ni Nora.

"Baka si Conching," wika ng nanay niya. "Mangungutang na naman."

Inutusan na siya ng tatay niya na buksan na ang pinto dahil patuloy pa ring kumakatok kung sino man iyong nasa labas. Wala naman siyang nagawa. Nanlalambot na tinungo niya ang pinto. Pagbukas pa lang niya noon, bouquet of roses na ang sumalubong sa kanya. Natatabingan ng bulaklak ang mukha ng may hawak.

Nang ibinaba nito ang bulaklak, muntik na siyang mapatili dahil si Gavin ang nakita niya. Nakasuot ito ng brown na jacket na may hood. May alanganing ngiti ito sa mga labi.

"Bakit ka narito?" natarantang sabi niya.

"Para mag-sorry," sabi nito.

"Pa'no mo nalaman ang address ko?"

"Binalikan ko lang 'yong mga pinasa mong information noong nag-audition ka." he said. "Puwede mo ba 'kong papasukin? Baka may makakilala sa 'kin dito. Malilintikan ako sa manager ko."

Siyempre, sapat nang dahilan iyon para luwangan niya ang pagkakabukas ng pinto ng bahay nila.

HINDI mapigilan ni Beauty ang mapangiti habang nakatingin kay Gavin, na nakadulog sa hapag-kainan nila at pinauulanan ng mga tanong nang nanay at tatay niya. Game naman si Gavin sa pagsagot ng mga walang kakuwenta-kuwentang tanong rito tulad nang, "Sino ang kilala mong artistang may putok?" o "Hindi ka ba magkakaroon ng project kasama ni Nora? O ni Vilma?"

Wala ring arte si Gavin kahit pritong daing at tinapa lang ang naihain nila rito. Ganado pa rin nitong kinain iyon. Nagkamay pa nga ito, dahil lang isinuggest ng tatay niya. He was really cute. Halata kasi na hindi ito sanay kumain nang nakakamay. Tumatapon ang karamihan ng kanin nito.

And he gave me flowers...

Lalong lumawak ang ngiti niya habang nakatingin sa bulaklak. May note doon, ang nakalagay: 'I'm sorry, Beauty. Babawi ako sa 'yo. I swear.' Paulit-ulit iyong nakasulat sa isang pirasong yellow paper. Katulad na katulad iyon nang mga ipinasusulat nang mga guro sa elementarya na "Hindi na po ako mag-iingay," kapag tinatamad iyong magturo. It sort of childish, but it made him really lovable.

Nakikipagtawanan ito sa pamilya niya, na tila isang simpleng tao lang ito. Alam niyang grabe na ang effort na in-exert nito para alamin pa ang address niya at mag-sorry sa kanya. To think na assistant lang siya nito. Then and there, while she was watching him laughing without any inhibition, she knew that she had forgiven him, and that her feelings for him was getting deeper. Hindi na lang iyon paghanga ng isang fan sa idolo. It was more than that.

Not Like In The Movies (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat