Kung saan at paanong labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan

4.4K 91 0
                                    

"YOU'RE special, Beauty. You really are."

Iyon ang paulit-ulit na sinabi kay Beauty ni Gavin habang nakasakay na sila sa van nito. Pagkatapos na pagkatapos ng press conference ay hinanap siya ni Gavin at nag-apologize agad sa kanya. He said that he felt like shit because he didn't admit his relationship with her. Sinabi niya na wala namang kaso iyon sa kanya.

Pero nahalata yata nito na bumaba ang tingin niya sa sarili niya dahil sa nangyari dahil panay ang paalala nito sa kanya na espesyal siya.

"Bakit ba hindi ko puwedeng aminin na girlfriend ko si Beauty?" inis na sabi ni Gavin kay Lolita, na kasama nila sa conference kanina. Nakaupo ito sa unahan, katabi si Mang Rupeng. Nasa likod naman silang dalawa. "I mean, mahilig naman ang mga fans sa gano'ng kuwento 'di ba? Sa artista na na-inlove sa non-showbiz na babae."

Lolita sighed. "That's partly true. That's partly bullshit, too. May mga fans siguro na magugustuhan iyon pero siguradong meron ding hindi. Gusto mo bang may magalit diyan sa girlfriend mo? There's a chance that she would be bullied on the cyber space, too. Would you like that?"

Ganoon na lang ang pag-iling ni Gavin.

"Saka hindi naman 'yon ang main concern natin." Hindi pa pala tapos si Lolita. "Nakita mo naman, sinisimulan nang ipakilala sa mga tao ang love team niyo ni Ivana. Ginagawan na kayo ng intriga ng press para maraming mag-abang ng pelikula niyo. Kapag umamin kayong dalawa ni Beauty, masasayang ang effort na 'yon."

Bumagsak ang mga balikat ni Gavin. Ilang sandali itong hindi nakapagsalita. Hindi na rin siya kumikibo.

And then she felt him move closer. Ikinulong siya nito sa mga bisig nito, pinasandal sa dibdib nito. The warmth of his body was enough to ease her pain—but not to make her stop thinking bad about herself. It didn't stop her on feeling inadequate for Gavin. Yup, that was the word. She was inadequate.

"I'm so sorry," bulong nito sa kanya. "Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari. At maniwala ka, nasasaktan din ako. When I saw the hurt expression in your eyes in the conference... I feel like I'm going to be crazy." He gave her a light kiss on the ear. "Sorry na kailangan mong pagdaanan lahat ng 'to, para lang sa 'kin..."

Hinarap niya ito, hinaplos ang pisngi nito at pilit na ngumiti. Pagkatapos ay umiling siya. "Oo. Nasaktan ako kanina. Pero okay na okay na ko ngayon, kasi nandito ka na," wika niya.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. May bumakas na kasiyahan sa mukha nito, dahilan para kuminang ang mga mata nito. Mukhang nagustuhan talaga nito ang sinabi niya. "Damn it. I'm so in-love with you."

"Me too," she said.

Niyakap siyang muli nito, at hinayaan na lang niya ito. She could feel that Gavin is in-love with her. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan nito iisipin na espesyal ang common na babaeng tulad niya? At paano kung mauntog na lang ito isang araw, at bigla na lang siyang iwan? Bigla na lang nitong ma-realize na may mas karapat-dapat pa dito bukod sa kanya?

That thought made her shudder.

LALONG tumindi ang nararamdaman ni Beauty na pagiging "inadequate girlfriend" kay Gavin habang lumilipas ang mga araw.

Bihira siyang pasamahin ni Gavin sa mga mall tours nito para i-promote ang pelikula nito. Alam siguro nito na mahihirapan lang silang pareho lalo na kapag may song number ito na kasama nito si Ivana. Kailangan kasi nitong umarte na tila nabibighani ito kay Ivana sa mga song numbers na 'yon.

Lalo ring nakadagdag sa insecurity niya ang kabi-kabilang articles sa mga tabloids at na nagsasabing may chemistry sa pagitan nina Gavin at Ivana. That they were a match made in heaven. May nag-predict pa na hindi raw malabong main-love ang magka-love team sa isa't-isa dahil pareho namang single ang mga ito. Iniiwasan na tuloy ni Beauty na magbasa ng diyaryo. Hindi na rin siya nanonood ng mga showbiz talk shows.

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now