Sabeeel... This Must Be Love... 2

4.4K 97 0
                                    


HALOS mapatili si Beauty nang may ma-receive na text galing kay Gavin.

Susunduin kita mamaya. Six PM. We're going out.

Pinakatitigan niya ang text at nagpagulong-gulong sa kama niya. Of course, hindi pa niya alam kung saan sila pupunta. Malay ba niya kung may guesting ito sa isang talk show or something? But in her heart, she knew that he was asking her out on a date. Takot lang siguro itong tumanggi siya kaya tunog nagde-demand ang text nito.

Kagabi, inamin na niya rito na may crush siya dito. Naisip niyang baka hindi na big deal dito 'yon, dahil artista naman ito. Ang hindi niya inaasahan, bigla na lang nitong inamin na crush din siya nito. Halos himatayin siya sa tuwa.

Akala niya, okay na ang buhay niya. Kahit paano ay kontento na siya. Pero kaya pala niyang maging mas masaya. Siguro, para malaman ng isang tao kung ano talaga ang kahulugan ng kasiyahan, importanteng malaman muna nito kung ano ang pakiramdam nang mapahalagahan.

Sumapit na ang alas-singko ng hapon at nagpasya na siyang maghanda. Humarap siya sa salamin at parang gusto niyang mahiya dahil napakalaki ng eye bags niya. Hindi kasi siya nakatulog sa sobrang saya. Naligo na lang siya at hinilod ng mabuti ang katawan.

Humanap siya ng komportableng damit. Kung pormal naman kasing lugar ang pupuntahan nila, sinabi na 'yon ni Gavin sa kanya. Nang humarap uli siya sa salamin, naisip niyang mas plain pa siya sa plain rice. Bakit kaya siya nacrush-an ni Gavin?

Nagpunta na siya sa sala para hintayin si Gavin. Paikot-ikot siya, hindi mapakali. She was nervous and excited at the same time. Sinesermunan na siya ng nanay niya dahil ang gulo raw niya at hindi ito makapag-concentrate sa panonood ng pelikula ni Vilma na Tagos ng Dugo, na tungkol sa isang babaeng nagiging killer kapag dinadatnan ng monthly period.

Saktong alas-sais ay may kumatok sa pinto at kulang na lang ay lumipad siya palapit doon. Nang buksan niya ang pinto, isang teddy bear na kulay blue ang sumalubong sa kanya. Ibinaba ni Gavin ang pagkakahawak doon kaya nakita niya ang mukha nito.

"Good evening," he said on his deep, masculine voice.

Anak ng Pasig naman o. Puyat din itong tulad niya. Nangingitim kasi ang paligid ng mga mata nito. Pero imbes na makasira iyon ng kaguwapuhan nito, nakadagdag pa iyon. Pinakatitigan siya nito, tila may nakitang kung ano sa mukha niya. "Hindi ka ba nakatulog?" he asked.

Naco-conscious na tumango siya.

"Bakit?"

Iba ang naging sagot niya. "Eh ikaw, mukhang hindi ka rin nakatulog, ha?"

He smiled like a school boy. "Halata ba?"

"Oo."

Tumawa lang ito. "Wala 'kong magawa eh. Hindi ko mapigilan. Inisip kita magdamag." Sinundan nito iyon ng kindat.

Nag-cartwheel ang puso niya.

MGA ALAS-NUWEBE na siguro sila nang makarating sa lawang binalak nila noong pamangkaan. May maliit na ngang bangka sa gilid noon at may isang sagwan. Ang sabi ni Gavin kay Beauty, hindi raw sila magpapakalayu-layo para manatili silang ligtas. Para lang tuloy silang sira dahil hindi pa sila nakakalayo ay huminto na sila. Nag-iingat lang daw si Gavin.

But it was okay for her, you see. Tuwang-tuwa siyang panoorin ang repleksyon ng mga bituin sa tubig at namnamin ang malamig na panggabing hangin. Gusto rin niya titigan ang misteryosong mukha ni Gavin sa liwanag ng buwan.

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now