Hindi ko kailangan ng tissue, I don't need tissue, don't judge me!

4.5K 77 0
                                    


GAVIN was depressed. Bihira na siyang kumain at palagi siyang walang tulog. Madalas din siyang umiyak. And that was saying something because he rarely cried. Umiiyak lang siya kapag inuutusan siya ng direktor na gawin iyon sa isang eksena. Pero ngayon, kahit nasaan siya, kahit ano pang ginagawa niya, matutulala na lang siyang bigla at tahimik na luluha. Kapag naka-recover na siya, magpapatuloy siya sa buhay niya, gumagalaw na parang miserableng zombie.

As a man, hindi niya alam na may bagay pala na makakapagpaiyak ng ganoon sa kanya. Akala niya, iyong mga lalaking iniiyakan ang mga girlfriend ng mga ito ay pasikat lang o mababakla in the future. Ngayon lang niya nalaman na kaya pala talagang durugin ng pag-ibig ang puso ng isang tao, kahit gaano pa kalakas ang tingin nito sa sarili nito.

Ipinapalabas pa rin sa mga sinehan ang pelikula niya pero hindi na siya nagpapaunlak sa nga conference, interview at party. Nagkukulong lang siya sa condo niya, naglalasing. Alcohol just... made him forget the pain. For a while, at least.

Wala naman siyang ginagawa sa condo. Nanonood lang siya ng TV o naglalaro ng online games. Minsan, habang nagpapahinga siya sa sala, napatitig siya sa cell phone niya. Hindi niya napigilan ang sariling buksan ang inbox niyon, at balikan ang mga text message sa kanya ni Beauty.

Good morning, my shining penoy. J

Kumain ka ng marami, penoy ha? Wala akong pakialam kahit lumaki ang tiyan mo. Magiging pogi ka pa rin sa paningin ko.

Matulog ka na para makapagpahinga ka na, penoy. Palagi kang magdadasal, ha? Sana din mapanaginipan mo 'ko.

I love you, penoy. Magtitinda na ang mga demonyo ng ice tubig sa impiyerno pero mamahalin pa rin kita. J I love you ulit...

Soon, his eyes were stinging. Nakakaramdam na naman siya ng paninikip ng dibdib. Those messages... The emoticons... The stupid yet sweet pet name... He was almost sobbing.

"Ang daya mo naman eh," naiinis na wika niya, na tila maririnig siya ni Beauty. Na tila makakarating dito at makikita nito lahat ng sakit na nararamdaman niya. "Ginagawa mo akong tanga."

"Not to mention childish," biglang may nagsalita.

Nag-angat siya ng tingin. Nakatayo na sa pinto ng condo niya si Lolita. May susi ito doon dahil ito naman ang pumili ng condo na 'yon. Nakatingin ito sa kanya, walang emosyon ang mukha pero kakikitaan ng awa ang mga mata.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" nanghihinang tanong niya. "I told you I want to be alone."

"Hinayaan naman kita 'di ba?" malamig ang tinig na sagot nito. "Pero dinalaw lang kita para masiguro ko na hindi mo pa pinapatay ang sarili mo."

"Buhay pa ako. You can leave now."

Hindi nito sinunod ang sinabi niya. Umupo ito sa isang couch at pinakatitigan lang siya, as if she was analyzing him. And then, she sighed.

"I can't blame you, you know. She might be weird, but she's a wonderful woman."

Naglayo siya ng tingin. Hindi niya kayang pakinggan ang mga sinasabi nito. Bumibigat ang loob niya.

"Bakit ka niya iniwan?" tanong nito.

Wala sana siyang balak sagutin iyong kung hindi lang bumalik sa ala-ala niya ang masakit na gabing iyon. Hindi na niya namalayan na nagkukuwento na pala siya. "Sabi niya, masyado raw siyang alangan para sa 'kin. Hindi raw siya bagay sa 'kin. Sabi niya, sigurado raw na darating 'yong panahon na maghahanap ako ng iba..." Napupuno na naman ang mga mata niya ng luha. "Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi 'yon eh. Hindi naman 'yon totoo. Parang lumalabas tuloy na tarantado ako." Padarag niyang pinunasan ang luha. "Masakit. Nagmumukha na siguro akong tanga sa harap mo na umiiyak ng ganito, pero hindi ko lang mapigilan. Ang sakit-sakit."

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now