You're My Boss (Antoinette Jadaone)

3.9K 88 1
                                    


NAG-TEXT si Gavin kay Beauty. Maghintay lang daw siya ng sandali sa parking lot ng hotel. Kailangan daw nilang mag-usap.

"Gusto mo bang samahan ka namin?" tanong ni Valyena.

Umiling siya. Sinabihan niya ito na kumain muna sa isang fast-food restaurant. Ite-text na lang niya ang mga ito kapag uuwi na sila. By that time, she already reached into a big decision. She was going to end it.

Pagkatapos ng pitong minuto ay dumating na si Gavin. Mukhang harassed na harassed ito. Tumapat ito sa kanya at bumuntong-hininga.

"What really happened there, Beauty?"

"It doesn't matter," matabang na sagot niya.

"It matters, Beauty! Hindi pa rin tumitigil sa kaiiyak si Ivana. May nag-suggest na dalhin na siya sa ospital."

"Ang OA lang ng Ivana na 'yon."

"She was really hurt."

"So ano'ng gusto mo? Mag-apologize ako sa kanya, ha?"

"Beauty that's not what I mean."

"That's what you mean! 'Wag na tayong maglokohan, Gavin! Kinakampihan mo naman ang ka-love team mo, 'di ba? Siya naman ang ipinagtatanggol mo laban sa 'kin. Bakit kaya hindi na lang kayo ang magsama, ha? Bakit kaya hindi na lang maging kayo?"

May bumalatay na sakit sa mukha ni Gavin. "Beauty, that's not fair."

Napalunok siya, pinunasana ang luhang dumadaloy na pala sa pisngi niya. "Ayoko na, Gavin."

Ang sakit na nasa mukha ng boyfriend niya ay napalitan ng takot. "What do you mean?"

"Ayoko na," basag ang tinig na sabi niya. "Akala ko, kaya ko. Pero hindi pala. Kanina, doon sa party, sumampal talaga sa mukha ko na hindi ako bagay sa 'yo."

"Jeez, stop saying that—"

"Kasi 'yon ang totoo 'di ba?" She was almost sobbing. "I'm not a part of your world, Gavin. I would never be a part of it. I tried, believe me. Pangarap ko rin namang mag-artista, 'di ba? But I wasn't enough. For my dream... and even for you."

"That's not true," tila malapit na ring mabasag ang tinig ni Gavin. Panay ang iling nito. "Damn it, that's not true, Beauty!"

"Let's face it, Gavin. Dadating din 'yong araw na mare-realize mong may mas bagay sa 'yo. 'Yong mas maganda. 'Yong mas matalino. 'Yong may kakayanan na tuparin ang pangarap niya. And you might leave me. There's a possibility that you would leave me. Hindi ko 'yon kakayanin."

He looked really hurt. "Wala ka bang tiwala sa 'kin?" halos papiyok na sabi nito, pinangiliran ng luha ang mga mata nito. "Ganyan ba ang tingin mo sa 'kin? Do you think I'm an asshole?!"

Naglayo siya ng tingin. The agony in his voice made her want to embrace him and kiss him.

"Tingin mo ba sinungaling ako? Na niloloko lang kita no'ng sinabi ko na ikaw ang pinaka-espesyal sa mga mata ko?"

"I'm not special, Gavin," wika niya, pilit pinatatatag ang sarili. "Assistant mo nga lang ako, eh. Masakit sabihin pero pinapasuweldo mo nga ako, eh! Siguro ngayon, iniisip mo na ako ang buhay mo. Pero may darating pang iba. 'Yong tao na hindi mo ikakahiya—"

"Hindi kita ikinakahiya! Gusto mo bumalik tayo sa party! Aaminin ko sa kanila na girlfriend kita!"

Unti-unting lumalambot ang puso niya sa ideyang 'yon. Pero kailangan niyang patatagin ang sarili. "Hindi mo maiintindihan. Kasi hindi ikaw ang inferior sa relasyong 'to. Ikaw ang tinitingala. Ikaw ang hindi basta-basta. Hindi ka katulad kong palaging nare-reject. Palaging loser."

Muli siyang tumingin kay Gavin. Walang tigil nang umaagos ang mga luha mula sa mga mata nito. Napapadalas na ang sagap nito ng hangin. Kagat-kagat na nito ang mga labi nito, na tila pinipigil na lang nitong humagulgol. The grief on his face shattered her.

"You said you wouldn't quit..." wika nitong tila nagtatampo. "You said you would not give-up. You promised..."

"I'm so sorry..." umiiyak na sabi niya. Pinasya niyang talikuran ito dahil hindi na talaga niya kaya. Ayaw niyang saktan ito, pero ayaw na kasi talaga niyang ipagsiksikan ang sarili sa mundo nito. Nakakalayo na siya ay nagdesisyon siyang lingunin ito. He was still standing there, crying while looking at her. Nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Siguro ngayon, iniisip mong walang sense ang mga sinabi ko, Gavin. But believe me, the day you meet someone better, someone who can give you more, someone who is perfect for you... you're going to be thankful that I broke-up with you.

That night, she cried until a little part of her died. 

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now