Bona (Lino Brocka)

4.5K 89 0
                                    


ITO NA ANG unang araw na sasama si Beauty sa taping ni Gavin. Na-excite ulit ang nanay niya, gumawa na naman ng sangkaterbang kalamay.

Maayos naman siyang nakapagpaalam sa comedy bar. Pinayagan siya ni Ate Kim, siguro kasi nalulugi na talaga ito. Umiiyak siyang niyakap nina Valyena at Queen Laki-faah. Kung ang mga ito raw ang naging assistant ni Gavin, pipikutin na raw ng mga ito ang lalaki. She laughed at that, hugged them, and then cried with them.

Isang oras din ang biniyahe niya bago siya makarating sa meeting place nila. Sa parking lot iyon ng Villa Lariosa, isang hindi kilalang resort. Doon naghihintay ang van ni Gavin. Sa Laguna kasi gaganapin ang shooting kaya may katagalan din ang biyahe. Naglalakad pa lang siya palapit sa sasakyan ay bumukas na ang pinto niyon at lumabas ang nakangiting si Gavin.

"Hi," bati niya.

"Hello there," he said. Pagkatapos ay tumingin ito basket na dala niya. Lalong lumawak ang ngiti nito. "Nagdala ka na naman ng kalamay?"

"Oo. Obsess na yata sa 'yo si nanay eh."

He chuckled. Inabot agad ang basket sa kanya. "Tamang-tama. Gutom na gutom na 'ko," wika nito. "Tara na sa sasakyan."

Inalalayan pa siya nito sa pagsakay nito sa van nito. Napakalaki ng van nito, kaya naisip niyang hindi simpleng "van" lang ang tawag do'n. Wala roon ang manager nito, dahil hindi naman raw palaging kasama sa taping iyon. Ipinakilala siya nito sa driver nito na si Mang Rupeng, na kamukha ni Dr. Tayag ng DOH.

"Marunong bang sumayaw ng Gangnam Style 'yang driver mo?" bulong niya kay Gavin habang nagbibiyahe na sila. Nasa likod sila ni Dr. Tayag—este, ni Mang Rupeng.

"Huh?"

"Busy 'yan kapag New Year 'no? Nagbabala sa mga gagamit ng paputok."

Saglit na natulala ito. Pagkatapos ay bumunghalit ito ng tawa. It was so loud that Mang Rupeng looked at them on the rearview mirror. Lalo lang tuloy itong natawa. It felt so nice actually. When he laughed at her jokes, he was making her feel that she was not just a simple assistant. She felt as if they were friends.

Matagal bago ito naka-recover sa pagtawa. Napapailing na lang ito, sabay sulyap sa kanya. He looked like he wanted to pinch her cheeks—or her nose. Parang pinanggigigilan siya nito.

Kung ganito kaguwapo ang manggigigil sa 'kin, aba, magrereklamo pa ba 'ko? Panggigilan niya 'ko forever!

Napangisi siya sa naisip. "Akala ko ba gutom ka?" tanong niya.

"Oh," he said. "Oo nga pala. Pasensiya na. Minsan kasi nakakalimutan ko na talagang kumain, lalo na kapag maraming trabaho. Madalas tuloy akong malipasan ng gutom." sabi nito habang kumukuha ng kalamay sa basket.

"Masama 'yang malipasan ng gutom. Baka magkasakit ka," sabi niya. "Lagi ko na lang ipapaalala sa 'yo ang pagkain mo, 'wag kang mag-alala."

"Salamat sa concern," nakangiting sabi nito sabi nito kahit puno pa ng pagkain ang bibig.

Napangiti lang siya. "May niyog ka pa sa gilid ng bibig mo."

Kumindat ito sa kanya. "Cute pa rin naman ako sa mata mo kahit makalat akong kumain 'di ba?"

OMG, naco-conscious siya sa kung ano'ng tingin ko sa kanya? kinikilig na sabi ng isang bahagi ng isip niya.

Eh 'di ba, gano'n naman ang artista? kontra ng isang bahagi.

"Beauty?" untag ni Gavin sa kanya.

"Ah, of course. Siyempre naman, cute ka sa paningin ko. Kahit siguro hindi ka pa maligo."

He grinned, nagustuhan siguro ang sagot niya.

SA ISANG resort sa Laguna gaganapin ang shooting. Bakante ang resort dahil naka-reserve pala iyon para sa shooting ng pelikula. Doon lang din nalaman ni Beauty na ang ite-taping pala ni Gavin ay ang pelikula na pinag-audition-an niya noon. Medyo mabigat tuloy ang loob niya habang ihinahanda ang mga kakailanganing damit ni Gavin. Naglabas din siya ng mineral water kung sakaling mauhaw ito. Nakaupo lang siya malapit sa van, tinatanaw ang lalaki.

Ivana Marquez ang pangalan ng napiling ipares kay Gavin. Hindi pa nagsisimula ang taping ay panay na ang dikit nito kay Gavin, sinasadya pa yatang ikiskis sa lalaki 'yong dibdib nito na halata namang capital "s" as in silicone. Hindi nga lang din niya masigurado kung na-e-enjoy ni Gavin na nilalandi ito ng Ivana Marquez na 'yon.

Aba, sino ang lalaking hindi matutuwa na landiin ng babaeng 'yon? Pagka-ganda-ganda ni Ivana, sa sobrang ganda, nakakainggit na kaya gusto niya nang sunugin ito sa plaza. Parang laging nang-aakit ang mga mata nito, lagi ding naka-pout ang labi, akala mo laging manghahalik. Ang legs nito—o mas tamang sabihing ang tinamaan ng magaling na legs nito, perpektong-perpekto. 'Yong tipong magpapalingon talaga ng mga lalaki, kahit 'yong may kasama pang girlfriend. Para itong naglalakad na cover ng FHM.

Samantalang siya... Samantalang siya... Forget it! Sapat na ang isiping luz valdez ang beauty siya kung ikukumpara kay Ivana.

Nagsimula na ring kunan ang mga eksena. Hindi marunong um-acting si Ivana. Kapag umaarte itong kinikilig sa eksenang unang beses nitong makikita ang character ni Gavin, para lang itong tinatawag ng kalikasan.

"Ivana!" bulyaw ng direktor, iyong nang-okray sa kanya. "Ilang ulit ko bang sasabihin na 'wag kang titingin sa camera! Isipin mo na hindi ka kinukuhanan ng camera, okay?!"

"Nakaka-tense kasi, direk eh," pa-sweet na sabi ni Ivana.

"Kanina ka pa nate-tense. Sanayin mo naman ang sarili mo, utang na loob. Focus, Ivana. Focus."

Pero hindi pa rin maka-arte ng maayos si Ivana. Lumipas na ang isang oras ay isang eksena pa lang ang maayos na nakunan ng mga ito. Nakasimangot na si Gavin. Kapag sumisigaw ng "cut!" ang direktor dahil sa kapalpakan ni Ivana ay parang gusto na nitong paikutin ang mga mata nito.

And yet he's still so handsome...

Pinagagalitan na si Ivana ng direktor. "Ibinigay a week in advance ang script pero lagi mo pa ring nakakalimutan ang linya mo?!"

"Eh ang pangit ng script, direk eh," pagdadahilan ni Ivana.

"Kung hindi ka lang maganda, nunca na kinuha ka namin," wika ni direktor.

Gavin suddenly threw a glance at her then stucked his tongue out. He was so cute, she was giggling. Halata talagang bad trip ito dahil dinedepensahan pa ni Ivana ang mga kapalpakan nito kaya nakaisip siya ng paraan para kahit paano ay pagaanin ang loob ng lalaki. Kumuha siya ng papel sa bag niya, nagsulat doon at idinikit iyon gamit ang scotch tape na lagi rin niyang dala. Girsl scout yata siya. Ganito ang nakalagay sa note niya:

Smile, pogi. Ang galing mo talaga.

Habang nagtatalo pa ang direktor at si Ivana, nagmamadali niyang tinakbo niya si Gavin at inabot dito ang bottled water.

"Baka nauuhaw ka na," sabi niya. Bumalik din siya agad sa puwesto niya dahil baka mapagalitan siya ng direktor na mainit na talaga ang ulo. Pinanood niya si Gavin na hindi maalis ang tingin sa dinala niyang bottled water dito. Nakangiti ito, kaya alam niyang nabasa na nito ang note.

Tumitig muli ito sa kanya, at sa pagkakataong iyon ay parang naging oblivious na siya sa mundo.

"Thanks," he mouthed. Then he winked at her. Hindi pa rin nito inaalis ang titig nito sa kanya habang iniinom nito ang tubig. And it felt good that his eyes were glued to her—kahit pa naroon lang ang ubod nang gandang si Ivana malapit dito.

Pero pinaalala niya sa sarili niya na dapat alam niya kung hanggang saan ang hangganan ng pantasya niya. Dahil kahit gaano ka-interesante ang mga fairy tales, hindi naman totoo ang mga iyon. 

Not Like In The Movies (COMPLETE)Where stories live. Discover now