EPILOGUE

304 13 10
                                    

MARAHAN KONG binuksan ang pinto ng kwarto niya rito sa ospital.

Bumuntong hininga ako at pumikit ng mariin.

Ilang buwan na rin.

Ilang buwan na rin,mula nung magstay siya rito sa ospital at hindi ko pa siya dinalaw.

Nakaramdam nalang ako ng lungkot ng bumungad saken ang nakaratay na lalake sa sarili niyang kama..

Nang makita ko ang mga kung ano anong kinabit sa katawan niya para akong nawawalan ng hangin sa katawan..

Hindi ko lang matanggap na..

Mangyayare toh sa kanya..

Baket?..

Baket labis kitang mahal~ sumpa mo'y di ko--chos!!pati kanta nadadamay sa mga kadramahan ko..

"Oh!!Cha?..kanina ka pa ba diyan?.." tanong ni mama na siyang nag babantay sa kanya..

Huminga nalang ako ng malalim at tuluyan ng lumapit sa side table at inilagay ang prutas na dala ko..

"K-kamusta na siya mama?..ano daw pong sabi ng doktor?..baket daw hanggang ngayon hindi parin siya nagigising?.." sunod sunod kong tanong..

"Cha..he's in a coma diba?.. kaya sooner magigising rin siya--magpakatatag ka lang.." naramdaman ko ang pagtapik ni mama sa ulo ko kaya tahimik na napatango nalang ako..

Gusto kong umiyak.

Gusto kong umiyak kase pakiramdam ko ipinagkaitan ako..o baka feeling lang talaga ako..

Nawala na nga ang tunay kong mga magulang..

Pati ba naman siya mag kakaganto?..

Baket yung mga taong hanggang sa huli AKO parin ang inaalala ay nag kakaganto?..ganon na ba ako kamalas?..

"Ma..halos limang buwan.. limang buwan na siyang nakahiga dyan sa kama.. pero ano?..wala parin!! hindi parin siya nagigising! baket ganto?..andyan nga siya pero--hindi niya parin minumulat ang mga mata niya!!hindi pa siya gumigising para titigan ako ng may matamis na ngiti sa labi!!wala pa siya!!wala parin si kuya!!" tuluyan nakong napahagulgol habang niyakap nalang ako ni mama..

Hindi ko na kaya..

Hindi ko na kaya na mawalan pa ng mahalagang tao sa buhay ko..

Hindi ko na kayang pati si kuya mawala..

"Hindi..ko na kaya mama.." umiyak ako na parang bata atsaka hinigpitan ang yakap kay mama..

Sa loob ng ilang taon--si mama na ang nag alaga saken,nakadamay, nasumbungan ko at nakasama ko sa buhay..dahil pitong taon mula nung ampunin niya ako at mahiwalay ako kila Papa.. siya ang tinuring kong tunay na mama nung nawalan ako ng ala ala..

The PromiseWhere stories live. Discover now