PROLOGUE

1.1K 113 84
                                    

Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Ang ganda noh?" tanong ko sa katabi kong nakahiga rito sa malawak na damuhan, parehas pa kaming naka unan sa sarili naming braso.

"Oo, ang ganda nga sobra." napatingin ako sa kanya, agad na natawa nang mahuling nakatingin siya saken.

"Parekoy, alam kong maganda ako, pero hindi naman tong mukha ko ang tinutukoy ko." natatawang sabi ko, balak na sana niyang magreact, nang agad ko siyang hinawakan sa magkabilang pisngi, atsaka ipinaharap sa mga bituin na nagniningning sa kalangitan.

"Ayan oh!" dugtong ko at muling tumingala doon.

Napakaganda,

Madalas kaming magpunta rito ni parekoy, kase favorite place namin toh eh.

"Ang ganda nga, grabe," sambit niya naman, pero parang nagkukunware lang siyang may pake.

Napasimangot ako at tinignan siya ng masama.

"Bakit parang wala ka sa sarili mo? ha? siguro," inilapit ko yung bibig ko sa tenga niya sabay bulong ng--

"Iniisip mo crush mo noh? yiieee! who's the unlucky girl?" tapos hinampas ko siya sa braso.

Bigla naman siyang tumawa ng mapang asar at naupo, kaya ginaya ko rin siyang umupo.

"Pano kung sabihin ko sayong.." tumingin siya saken at ngumisi..

The PromiseWhere stories live. Discover now