CHAPTER 9

233 37 5
                                    


CHAIEL


MAG ISA AKONG naglalakad ngayon dito sa hallway.

Katatapos lang kase ng klase at pauwe nako, absent si Tessa eh, sabi niya masama pakiramdam.

"Cha!" napalingon ako sa tumawag saken.

Si Annie, isa sa mga classmate ko.

"Oh? may kelangan ka?" tanong ko, atsaka inayos ang pagkakasukbit ng bag sa balikat ko.


"Tawag ka ni Mr.Nicanor, dun sa center." napakunot ang noo ko,si Mr.Nicanor na math teacher namin?

"Basta~ punta ka na ah--oy Nicole!sabay na tayong umuwe!" bigla syang kumaway sa isa pa naming kaklase,na nangunguna samin sa paglakad.

Wala nakong nagawa kundi magpunta nalang,malay nyo may importante palang sasabihin.

Nasa tapat nako ng center, nang bigla akong napatigil.

Ba't parang ang tahimik?

Don't tell me wala ng tao rito?

Tumingin ako sa hallway.

Walang katao tao.

Nagkibit balikat nalang ako, at agad na binuksan ang pinto.

Napatingin ako sa mga librong nakakalat sa sahig.

Aha!wag ninyong sabihing paglilinisin ako ng teacher na yon?

Abaaaaaah!

"Ano ba yan sir!ako pa talaga ang maglilinis ng mga toh!ay naku,anong silbi ng janitor na nag tatrabaho ri--" agad akong napahinto,nang isa nalang na libro ang pupulutin ko.

*kreeeek*

Napaangat ako ng tingin.

Saglit akong napahinto,at napakurap kurap sa nakita.

Loading..

Loading..

Loading..

"Ay aswang--waaaaaaah!
may aswang!aswang! ASWANG!" halos mapaos na sigaw ko,habang naka salampak sa sahig at umaatras.

Nagulat ako ng biglang mag patay sindi ang ilaw..

Watapak!

"Hihihihihihihihihi!" napanganga ako ng may marini,para siyang mangkukulam na witch--aaaah!ewan!mababaliw nako!

"M-mama!ate!m-may--mumu--waaaaaah!ayoko na po!" sigaw ako ng sigaw, na parang nagbubuwis buhay!

Waaaaaah!tulooooongggg!

Napahinto akong muli,nang biglang nagbukas ng tuluyan ang ilaw at bumungad ang--

Mga kaklase ko,pinapa ngunahan ng anak ni hudas barabas kasama ang mga kaibigan niya.

Napatayo ako agad,at dali daling inayos ang sarili.

The PromiseWhere stories live. Discover now