CHAPTER 6

263 39 7
                                    

CHAIEL

"TEH,PAHANAP nga sa ilalim ng mesa yung lip gloss ko,hanapin ko na rin rito." utos pa ng magaling kong kaibigan,habang nag kakalkal ng kung ano sa bag niya,napailing iling nalang ako at agad na yumuko para hanapin ang nawawalang lipgloss.

Nga pala..andito kami ngayon sa cafeteria, masayang kumakain,teka teka parang may mali,ako lang pala ang kumakain, habang siya hindi parin tapos sa pag ayos sa mukha niya.

Napahinto ako ng mahanap na ang hinahanap ko,balak ko na sana yung kunin kaya lang bigla kong narealize na ang liit pala ng galamay ko--at hindi ko yun maabot,yan tayo eh!

Kamot ulo akong dumapa at marahang gumapang patungong ilalim ng mesa, mukha nakong timang sa ginagawa ko.

Nang kukunin ko na sana yung lipgloss,kaso biglang may napadaan sa may table namin,at masipa yon dahilan para mapagulong yon sa kung saang lupalop ng mundo man yon nagpunta.

Napatsk ako sa pagkabadtrip at tumayo,

*BLAAAAG!*

Halos maalog ang utak ko ng malakas na nauntog sa mesa ang ulo ko,

B*bo besh.

Parang sasabak sa gyerang gumapang ako,para lang makuha yung p*steng lipgloss na yon!ugh!ano ba tong ginagawa mo Cha?

Nang matanaw ko ulit yon sa di kalayuan,ay agad akong napangisi.

Huli ka,

Dali dali akong gumapang papunta doon,at kukunin na sana ng biglang..

"Anong pagkain ba ang nakain mo ngayong araw? you look stupid." Aba't nang asar pa ang loko, tinignan ko siya ng masama habang nakatingala,at muling ibinaling ang tingin sa lipgloss na nasa mismong harap ko na.

Balak ko na sana yung pulutin,kaso bigla nalang yon tinapakan ng boset na toh.

"Bingi ka ba o nagbibingi bingihan?kinakausap kita." pang asar niya pa, umirap naman ako sa inis at hinampas ang sapatos niyang nakatapak sa lipgloss.

"Alis.." gigil kong sabi,pero ang h*yop tinawanan lang ako,para bang sinabihan ko siya ng isang malaking JOKE.

"Why should I?eh masaya ako sa ginagawa ko eh." tapos pinaandar andar niya pa yung sapatos niya,habang tinatapakan ang lipgloss ni Tessa.

Sa sobrang inis ay tumayo nalang ako mula sa pagkakadapa,at inayos ang sarili.

"Edi wag,hindi ka naman pinipilit,gusto mo lamunin mo pa yang lipgloss ng kaibigan ko.Tse!" pagtataray ko,atsaka siya inirapan,babalik nalang sana ako sa table namin ng bigla akong napatigil.

"Here," inabot niya saken, ang kapupulot niya lang na lipgloss ni Tessa.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Buti naman marunog kang--" napahinto ako ng bigla niyang inangat ang lipgloss,at ngumisi saken, here we go again--the being kumag mode on!agad akong tumalon,para sana hablutin yon mula sa kanya,nang mabilis niya itong mas inangat.

"Hoy ano ba!wala akong time para makisakay sa kalokohan mo!" pilit kong inaabot ang lipgloss,pero mas lalo niya lang itong itinaas,beastmode na tinitigan ko nalang siya.

"Hindi ba obvious na nag
kulang ako sa height? hmm?" napacross arm na sabi ko,dahilan para mapa halakhak siya ng sobrang lakas,at mapalingon na samin ang halos lahat na estudyante rito,maging si Tessa na halos mabaliw sa kakahanap ng nawawala niyang lipgloss ay lumingon na rin.

Napatingin ako sa isa sa mga kaibigan niya,nang ibinagsak nito ang isang bangko sa pagitan namin ng anak ni hudas barabas na toh.

"Laro tayo," dahan dahan niyang ibinaba ang hawak na lipgloss,kaya naman agad akong umakmang lalapit ng may idagdag pa siya,na mas lalong nagpabeastmode saken!

"With a twist,igagapos ka nina Ian sa bangko na toh,habang aabutin mo naman ang bagay na toh." itinaas niyang muli ang lipgloss ni Tessa,atsaka pinagmasdang mabuti,para bang ngayon lang siya nakakita ng bagay na yon.

Tsk tsk tsk!

IGNORANTE!

"Gamit ang sariling bibig."
tumingin siya saken,sabay kindat.

Tinignan ko naman siya ng nanghahamon.

"Pano kung ayaw ko?may magagawa ka ba?" pumitik siya ng isang beses,habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Bigla akong kinilabutan ng pumalibot na saken ang ilan sa mga estudyante rito, mapababae o lalake man sila at waitttt!THERE'S MORE! may mga bitbit silang tag iisang bangko.

A-anong gagawin nila?


"Ako wala,pero sila, mukhang may magagawa." tinignan niya ako,na para bang ako na ang pinaka nakakatawang clown sa buong universe,kaya naman ginantihan ko siya ng masamang tingin.

Pano na this?

Nanawagan po ako sa lahat ng santo't santa,help me poooo!


AYOKO PA PONG MAMATAY!

Pero mukhang gusto nakong dalawin ni kamatayan,huhu!

Chos lang,ang exaggerated ko talaga!

Pero pano na nga ba kase this?

Readers,tulong naman oh!

Hindi nyo ko tutulungaaaan?


WAAAAAAAAAAH!

The PromiseWhere stories live. Discover now