CHAPTER 10

246 35 5
                                    


CHAIEL

"WHAT?! GINAWA niya talaga yon?!" gulat na tanong ni Tessa saken, habang nagreretouch.

Andito nga pala kami sa classroom at kakatapos lang ng last period, kinwento ko sa kanya ang mga nangyare kahapon nung wala siya.

"Tsk!ewan ko ba dyan sa lalakeng yan!walang magawa sa buhay niya kaya buhay ko ang ginugulo!ha!nakuha pa ngang magdeny kahapon na hindi niya raw yon ginawa!" gigil na sabi ko.

"Seriously teh?hindi ka ba dun nagtaka?" kunot noo ko siyang nilingon.

"Anong kataka taka don?" tanong ko pabalik.

"Diba kapag may ginagawang kalokohan si Kaicer Klein sa iyo,hindi naman yon nag dedeny, aaminin niya pa nga at lalo ka pang aasarin?pero baket sabi mo tinanggi niya?" napaisip ako sa sinabi niya.

"So,ibig mo bang sabihin, nagsasabi siya ng totoo?" mangha kong tanong.

Woah!magpapamisa na ba ako?!

"Pero hindi pa tayo dyan sure,malay mo pinag tritripan ka lang pala niya nung time na yon." tapos napakibit balikat nalang siya.

Nagkibit balikat na rin ako at sabay na kaming lumabas ng classroom,matapos niyang magpaganda.

"Teh,pasama naman ako today." sambit niya,sabay hampas sa braso ko.

Aray!

"At saan ka naman pupunta ngayon?" tanong ko,habang hinihimas ang hinampas niyang braso ko, lakas mangbully ng babaitang toh.

"Dyan lang sa mall..wala sina mom at dad ngayon sa bahay--boring tuloy.." tapos dumiretsyo siya ng parking lot..

"Huy teka..anong gagawin naten rito?..dun yung sakayan oh!!" sabay turo ko sa sakayan ng mga jeep..

The PromiseWhere stories live. Discover now