CHAPTER 15

204 33 1
                                    

CHAIEL

SABADO NGAYON kaya naman nagjojogging na kami nitong si Tessa gaya ng laging nakagawian.

"Nga pala Tess.. kamusta na si kuya Travis? nung araw kasing pupunta na sana tayo don nagpahatid nalang ako eh ang lakas ng ulan non eh." pagbubukas ko ng topic, ang tahimik kasi nito ni Tessa ngayon.

"Ahh--buti pinaalala mo! may ibibigay raw siya sayo!" biglang napapalakpak na sabi niya.

"Talaga!?" tuwang tuwang sabi ko, omg.. tumango tango naman siya at naupo sa isa sa mga bench kaya naman naupo na rin ako.

"Sabi niya dapat daw ikaw mismo ang kumuha non!"
napangisi naman ako, halatang clueless si Tessa kung ano ang pasalubong ang ibibigay ng kapatid niya.

"Guess what, kung anong pasalubong sakin ng kuya mo?" tanong ko pa, napaisip siya saglit at balak na sanang magsalita nang biglang sumulpot sa gilid ang isang pamilyar.

"Oh there you are, Cha!" napalingon ako sa nagsalita, ganun nalang ang pagkamangha ko nang makita si..

Khail!

"H-helloooo!" bati ko sa kanya sabay kaway kaway, omg!! Cha, wag ka na namang parang timang dyan... umayos ka!


"Kamusta date nyo last last day?" napakunot ang noo ako sa narinig.

Anong date--?

"Hoy! hoy! ano ba--" inabot na niya sakin ang phone ko matapos magpipindot.

Agad ko namang tinignan kung ano ang ginawa niya, ganon nalang ang gulat ko nang makita ang ginawa niya.

"KAICER KLEIN!" gigil kong sigaw habang dahan dahang binabasa ang itinext niya kay Khail.

"DEEEYT?" hindi maka paniwalang sambit ni Tessa.

"A-ah! hindi ah, alam mo Khail mali yon! wrong send lang yon ng nakitext sakin.. hindi ako nakipagdateeeee!" depensa ko, totoo naman ah! hindi naman talaga ako nakipag date, talagang abno lang yung kasama ko nun!

The PromiseWhere stories live. Discover now