CHAPTER 19

199 28 1
                                    

CHAIEL

TULALA AKO ngayong nakahilata rito sa bahay.

Mag aalas singko palang kase nagising nako, at wala naman akong mapagkakaabalahan.

Iniisip ko yung mga weird na nangyayari sakin.

Anong ibig sabihin non?

Anong ibig sabihin ng biglang pagpasok nang kung ano anong alaala sa utak ko? waaaaaaah! mababaliw nako!

Kinuha ko nalang ang sketch pad na paborito ko.

Kaso napahinto rin ako sa pakuha nang marealize na madami palang binigay sakin si kuya Travis.. sandamakmak nga talaga tulad ng sinabi niya.


Kumuha ako ng isa at agad na nagdrawing.

Nakita ko nalang ang sarili ko na dinodrowing ang isang lalaki at isang babae na nakasakay sa kotse habang nagbabangayan.

Teka..

Bakit parang pamilyar ang ekesenang ito?

*TOK!*TOK!*TOK!*

Napalingon ako sa pinto nang may biglang kumatok rito.

"Sino yan!?!" tanong ko atsaka inayos ang pagkakadrowing gamit ang lapis.

"Cha--6:30 na ah! baka malate ka na naman!" sigaw ni ate mula sa labas.

WHUUUUT? 6:30 NAAAAA?

Gulat kong tinignan ang oras sa phone ko na nakakalat lang sa kama, para iconfirm kung tama nga ang narinig ko.

"6:30 na nga!" tarantang sabi ko at dali dali ng tumayo sa kama, tuloy tuloy na tumakbo papasok ng CR.

Bakit parang ang bilis naman ng oras?

Oh baka ako lang talaga tong lutang.

***

"You can have your break," pagkarinig na pagkarinig palang namin nun mula kay Mr.Nicanor na math teacher namin, kaagad na nagsitayuan ang mga gutom na gutom ko ng mga kaklase. (kahit wala naman silang ginawa kundi matulog lang sa buong klase) maging si Tessa ay napatayo na rin at hinatak ako palabas ng classroom.

"Nakakainis talaga yang math na yan, palagi nalang pinapadugo tong utak ko!" stress na stress niyang sabi, napailing iling nalang ako.

"Hindi naman dudugo yang utak mo kakaisip ng solusyon kung nakikinig ka eh.. para sakin nga mas madali ang math kase magbibilang ka lang. Sa ibang subject sasagutin mo pa ng word yung mga tanong." ngisi pang sabi ko,

"Palibhasa, basic lang sayo ang subject na math!" tapos nag martsa na siya papunta sa cafeteria, sumunod naman nako papunta doon dahil nagugutom na rin ako.

The PromiseWhere stories live. Discover now