CHAPTER 3

373 55 40
                                    

CHAIEL

Ngayong araw ng wednesday ang PE namin, ang aga aga badtrip na ako.

Hindi naman sa OA ah,pero kase hindi ko lang matanggap na kaklase namin,ang anak ni hudas barabas na si Kaicer Klein sa subject na toh,sinong hindi mababadtrip don?

Nang magtama ang paningin namin dito sa covered court, agad ko siyang sinamaan ng tingin,tinignan ng ang-aga-pa-para-mangbadtrip-ka look,na tanging ginantihan niya lang ng isang ngisi..

"Goodmorning class," napa baling ang tingin ko sa teacher namin,na si Ms. Hufana.

"Goodmorning," bati naman ng buong klase.

Napatingin naman ako kay Tessa,nang kalabitin niya ako.

"Wag ka na namang gagawa ng gulo rito teh." bulong niya,nang makita na rin ang anak ni hudas barabas.

"Hindi naman ako ang nag uumpisa eh." naka simangot na sabi ko,atsaka muling tumingin sa lalakeng yon.

Aba't nakatingin rin ang mokong samin.

"Okay,let's start!" tapos na yatang magdisscuss si Mam ng kung ano ano,kaya naman pinapila niya na kami at hinati ang boys sa girls.

"Halos lahat naman kayo marunong magbadminton right?" tanong niya pa,bago kami tinignan isa isa.

"I'll set kung sino ang magiging kakampi nyo sa ating activity." napatango nalang kami,dahil halos lahat naman talaga kami marunong,ewan ko lang sa iba dyan.

"Ms.Cuervas and Mr. Klein," gulat akong napatingin kay Mam.

"Po?/What?!" sabay pang react namin ng anak ng hudas barabas na toh.

"Bingi ba kayo?sinabi ko ng Ms.Cuervas and Mr.Klein,uulitin ko pa?.." inis na sabi niya samin, nagkatinginan naman kami ni Kaicer Klein at sabay muling nagreact.

"Pero hindi naman po yan marunong--/Mamaya hindi naman pala yan marunong--" Agad rin kaming sinuway ni Mam.

"Magrereklamo kayo o babagsak kayo sa subject ko?" Syempre wala nakong choice!

Napatsk nalang kami,at sabay na pumwesto.

"Ms.Torres and Mr.Alajar," Nanlaki ang mga mata ni Tessa sa narinig,nginisian ko naman siya sabay sabi ng--

"Magkalaban tayo," sabi ko,napalunok naman siya, noon kase kapag naglalaro kami lagi akong panalo--natatabunan lang siya--hahaha!joke lang sobrang hangin ko na,baka tangayin kayo.

"Ready?" tanong niya na inabot na sa katabi ko ang shuttlecock,siya magseserve.

"Ayusin mo yan ah." sabi ko pa sa kakampi ko,pero nginisian niya lang ako, atsaka muling ibinaling kay mam ang tingin.

"Ah--mam!pwede po ba muna akong magCR--" balak pa sanang mag palusot.com ni Tessa,nang humudyat na si Mam na umpisahan na.

Agad na nagserve ang anak ni hudas barabas,na agad namang hinampas ni Alajar pabalik--na mabilis ko namang hinampas--

"Aray!" inis na daing ko, nang mahampas ng hawak na raketa ng boset na toh ang kamay ko.

"Ay--haha!akala ko yung shuttlecock!!" sinamaan ko siya ng tingin,agad na hinampas ang shuttlecock,na papunta sa kinaroroonan ng tat*nga t*ngang si Kaicer Klein.

"Ah!" daing niya,nang AKSIDENTE kong naapakan ang napakalaki niyang paa.

"Ay sorry--ang laki kase ng paa mo eh!" ngumisi ako,at hinampas ng raketa ang patungo sa direksyon kong shuttlecock--

"ARAY ANO BA!/TSK!AW!" sabay naming sigaw ng magkabanggaan kami.

"Kanina ka pa ah!" sigaw ko,

"You two!" tinuro kaming dalawa ni Mam.

"Takbuhin nyo ng sampung beses ang buong court!"
napanganga ako sa narinig.

"Pero--" napapikit ako sa inis.

"NOW!" sabay kaming napa
kilos.

"Kasalanan mo toh eh!" gigil na dinuro ako ng kasabay kong tumatakbo paikot rito sa court.

"Anong ako?!ikaw kaya ang nauna!" inis bulyaw ko.

"Hoy!anong ako?!makasisi ka dyan ah!" sambit niya naman,mas binilisan ko nalang ang pagtakbo,dahil baka bukas pa kami makatapos dito.

***

"Ayos ka lang teh?" tanong ng manhid kong kaibigan,na inabutan ako ng mineral water.

"Ako?ayos?obvious ba?" inis na sabi ko.

Nakikita na nga niyang halos mahimatay nako sa sobrang hingal,tapos ngayon tatanungin niya ako kung ayos lang ako?eh kung siya kaya patakbuhin ko ng sampung beses sa napaka laking court na toh?tignan ko lang kung maging ayos pa siya.

"Sorry na hahahaha! pasalamat talaga ako kay Kaicer na yon dahil nakaligtas ako sa h*yop mong techniques,sa paglalaro ng badminton." iiling iling na sabi niya pa, habang pinupunasan ng towel ang basa ko ng likod.

"So--okay lang sayo nagkaganto ako?" nakasimangot na tanong ko sa kanya.

"Syempre joke lang!haha! ito naman!" sabay yakap niya saken.

Napasinghot siya saglit,bago lumayo saken.

"Mukhang kelangan mo na magpalit teh." kunot noong sabi niya,tumayo nako at agad na naglakad habang siya nakasunod naman saken.

"Since lunch time naman na,diretso na tayo sa cafeteria pagtapos mo magpalit." sabi niya pa, habang nakatingin sa maliit niyang salamin,kahit na nagPE na kami lahat lahat mukha parin siyang fresh at hindi manlang nagmukhang haggard.

Agad na kaming nagtungo sa mga lockers.

Pagbukas na pagbukas ko palang ng locker,agad rin akong napatili sa gulat.

"Waaaaah!" malakas na tili ko,dahilan para mapalingon ang ilan sa mga estudyante rito,may kinukuha rin sa locker.

"Baket teh?" napatingin rin si Tessa at agad na--

"Kyaaaah!ang daming ipis!" halos mabasag yung eardrums ko sa lakas ng tili niya,sabay pa kaming napatalon talon na akala mo ginapangan na ng ipis sa katawan,dali dali ko ring pinag aapakan ang mga ito.

"Bwa--bwahahahahaha!"
napatingin ako sa halos mamatay na sa kakatawa na anak ni hudas barabas,napa hinto tuloy sa kakatili tong kaibigan ko.

"Ang cute mo pala kapag nakakakita ng ipis?" tapos nagtawanan na naman sila.

Dahan dahang napatingin ang mga mata ko sa may paanan ko.

Oh shoot!

Agad ko itong pinag dadampot,at inihagis sa mga pagmumukha nila,lalo na sa nakakaboset na Kaicer Klein na yon!

"Langhiya kayong anak ni hudas barabas ka,at ang mga alagad nya!" halos maiyak ako sa sobrang inis.,hindi niya alam kung gano ako natakot don,tapos PEKENG LARUAN LANG PALA ANG L*CHENG YON?! halos mahimatay pa ako kanina sa sobrang takot!

"Hahahahahahahaha!" maging ang mga estudyante sa paligid ay pinagtatawanan rin kami,so ganon?ang role lang ng mga estudyante rito ay tumawa?tsk!

"Biruin nyo yun?!ang isang CHAIEL CUERVAS na maangas at kumakalaban saken?!takot sa laruang ipis?!bwahahaha!"
binato ko siyang muli,nang mga plastik at peke niyang ipis.

"Ughhh!" napasabunot nalang ako sa sarili,padabog na kumuha ng pamalit atsaka nagmartsa patungong CR.

The PromiseWhere stories live. Discover now