CHAPTER 7

248 40 18
                                    

CHAIEL

"WHOOOOO!"

"Go Chaiel Cuervas!"


"Kaya mo yan!"



Nagmistulang wrestlingan ang buong cafeteria,dahil pinuno ng mga demonyo rito ng malalakas na sigawan at palakpakan.

L*che ano ba tong ginagawa mo Cha?

Napairap ako sa hangin, atsaka muling ibinaling ang tingin sa lipgloss na hawak ngayon ng p*esteng kaicer na toh,ngingisi pa siya na parang timang.

"Ano na?wag mong sabihing hindi mo kaya? hahaha!ang hina mo pala eh!" pang asar niya,at nagtawanan silang lahat na nasa buong cafeteria.

Pilit akong nagpumiglas sa mga gapos na nakapulupot sa buong katawan ko,habang nakaupo rito sa upuan. huhuhu,hanunaaaa?alam nyo kung pano nangyare ang lahat ng toh?balak ko na sanang tumakbo palayo sa kanila,nang bigla akong binuhat na parang sako ng anak ng demonyo na toh, wala nakong nagawa kundi makipaglaro sa mga kalokohan niya.

"Arghh!" agad kong ginamit ang bibig ko para dakmain yon mula sa kamay niya, nang itaas na naman niya tong muli,sinamaan ko siya ng tingin.

"Pano ko yan makukuha kung itinataas mo rin?! sira ba ulo mo?!" Halos magwalang sigaw ko,muli nagtawanan na naman ang mga alagad ni satanas.

Tinignan ko si Tessa na hawak hawak ng iba pang alagad ni satanas,haaaay! kung hindi lang dahil sa lipgloss mo,matiwasay na sana tayong kumakain ng pizza pie,fries,burger--ughhh!nagugutom nako!

Tumingala ako,tinignan ng matalim si Kaicer.

"Hala Klein,g na g na siya." bulong ng isa pa niyang kaibigan,napabaling tuloy sa kanya ang mga matatalim kong tingin,ganto talaga kapag gutom,ang sarap pong manapak ngayon!

"Pakawalan nyo ko dito," may diing utos ko,pero nagtawanan lang ang mga demonyo,lalo na tong anak ng demonyo.


"Pano kung ayaw ko?may magagawa ka ba?" pag gaya niya sa sinabi ko kanina,napasimangot ako, itinuon ang atensyon sa lipgloss na nasa mismong tapat ko lang,ngumisi ako ng may maisip na kalokohan, bahagya kong ginalaw galaw ang mga paa kong naka gapos,pilit kong ikiniskis ang mga paa ko ng hindi nila napapansin.

"Sa ngayon wala pa!pero pag ako nakawala rito!" sagot ko,napahinto ng tuluyan ng magawa ang plano,iniangat kong muli ang tingin ko sa kanya atsaka siya nginitian ng matamis, yung lasang kendi.

"Ngayon meron na." matapos kong sabihin yon,ay agad ko siyang sinipa sa ano niya.


"ARAY!!BAKET MO GINAWA YON?!" sigaw niya at agad na nabitawan ang lipgloss kasabay ng pagpikit niya ng madiin,habang hawak yung ano niya na sinipa ko.


Sa..



Sa..







Sa tuhod niya,

Hahahahaha!kayo ah mga nasa utak nyo!mabait naman akong tao kahit na kasing sama pa siya ng demonyo! hindi ako naninira ng kinabukasan noh,pano nalang yung magiging misis niya?Concerned ako sa magiging misis niya!

***

"Ah--ouch!aray--ko--ano ba Tess mahapdi!" naihampas ko ang kamay ni Tessa na may hawak ng alcohol, dahilan para mabitawan niya ito,at bumagsak sa sahig,nga pala,matapos kong sipain sa ano yung kaicer na yon--sa tuhod niya,bigla nalang nagsilapit sakin yung mga estudyante sa buong cafeteria at pinagbabato ako ng kung anong hawak nila, may kutsara at tinidor pa ngang kasama na tumama sa mga braso ko,buti hindi sa mukha!huhuhu.

"Cha ano ba?!ikaw na nga tong ginagamot dyan sa mga sugat mo,ang dami mo pang reklamo!eh kung iwan nalang kaya kita rito?!nakakainis na eh!" bulyaw niya,napasimangot tuloy ako at sinamaan siya ng tingin.

"Kasalanan mo toh eh!" pagsisi ko bigla sa kanya, dahilan para taka niya akong tinignan,nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko, whuuut?don't tell me hindi niya alam na dahil yon sa lipgloss niya?

"Kung hindi dahil dyan sa lipgloss mo,edi sana hindi ako nagkaganto diba?! hindi na naman sana kami naggyera ng bastos na anak ni hudas barabas na yon,gaya ng nangyare kanina!" walang prenong sisi ko sa kanya,hala ka!baka nahawa nako sa kadaldalan ng lalakeng yon.

"Ah--ganon,so you mean, ako?ako pa talaga ang may kasalanan rito?" gulat akong napatingin sa kanya, usually kase kapag sinisisi ko siya sa isang bagay, nilalambing niya pa ako at susuyuin,pero ngayon seryoso na siya!oo tama ka ng basa!SERYOSO NA SIYA!

Dahan dahan ulit akong napasimangot,tinignan siya ng mabuti.

"Joke lang Tess,toh naman di na mabiro--" napahinto ako ng balak ko na sana siyang yakapin para suyuin, nang bigla niya akong talikuran.

Ay bastos?

"Hindi kase sa lahat ng pag
kakataon,maganda yang biro mo." rinig kong bulong niya,at tuluyan ng nagwalk out!

Napatulala ako sa kisame napanganga.

Anong nangyare dun?

The PromiseWhere stories live. Discover now