Chapter 34

5.5K 268 10
                                    

Napatingin ako sa matayog na building na iyon bago tuluyang bumaba ng kotse.

"Right place." I muttered under my breath habang inaayos ang bahagyang nagusot na damit. I was wearing a decent knee length dress. On my usual, di ako magsusuot ng ganito unless I was in a formal meeting. However, meeting Sam's parents must make myself a little presentable.

I grabbed my shoulder bag and locked the door of my car. I glance once again at the building before taking all the courage I need.

Yeah, I need this.

After breakfast with Bree and Trance, I finally decided to do it on my own and to settle Sam's issues at once. I need to do the right process. I should meet her parents and get their blessings.

"Excuse me, Ma'am. San po sila?" The guard at the lobby stopped me bago pa ko tuluyang makapasok sa building that is owned by Sam's family.

"Hideo Fontiel and Margaux Shin-Fontiel. " Sagot ko na pasimpleng napalunok. Those names. Binanggit ko yun na akala mo kakilala talaga nila ako.

Tumaas ang kilay ng gwardya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Do you have an appointment po?" He asked politely.

Mabagal ang ginawa kong pag-iling. Ano ba dapat ang isagot ko? Ni wala nga akong number ng mga magulang ni Samara. Makapagpaset pa ba ng appointment?

"Pasensya na po, Mam. " The guard shook his head. "No appointment, No entry. "

"What?" Eksaheradong napasinghap naman ako.

"Pasensya na po mam. Mag paset na lang po muna kayo ng appointment. "

"Uhm.." I am contemplating whether to continue or not. But thinking about Sam, I decided na kapalan na ang mukha. "Pasensya na Kuya, I'll be just quick. Promise. Pwede bang makausap ko yung secretary nila to confirm them if they would want to see me?"

I used all of my charm to convince the guard. Napakamot naman sa ulo si kuya bago sumulyap sa reception area pabalik sa akin.

"Pasensya na Ma'am. Mawawalan ho ako ng trabaho pag pinapasok ko kayo. "

"Sandali lang naman kuya. Promise. Ten minutes lang. " Mabilis kong hinablot sa braso si Kuya guard ng akmang tatalikod na sya. "I just badly need to talk to them. "

"Naku, pasensya na talaga mam. " Matigas na sabi ng guard though medyo nag aalinlangan din siya.

Siguro nga ganoon talaga kahigpit dito. Of course, Shin-Fontiel are old money.

I sighed thinking all the effort I've made just to be here tapos di din naman pala ako makakapasok.

"Kahit five minutes kuya?" Hirit ko pa.

I am starting to make a commotion since nakaharang na nga ako sa entrance and there are other people waiting at line.

"Mam, gilid na lang ho muna kayo. Hindi ho talaga kayo makakapasok. " Tumingin sya sa suot na relo. "If mapilit po kayo, hintayin nyo na lang po sila. Hindi pa naman po sila dumarating. "

I glanced at my watch, 1:45pm.

Maybe nanggaling sila ng lunch meeting sa labas.

"Pwede ba ako tumayo na lang dito kuya?" Tanong ko pero nakapwesto na ko sa may bandang gilid nya.

I heard the people murmuring something. Hindi ko na lang pinansin.

I picked my phone and busied myself checking my emails as I stand outside waiting for Sam's parents.

Padating na din siguro sila. Half an hour of waiting is not that bad.

Halos mag iisang oras na yata akong naghihintay pero hindi pa din sila dumarating. Naawang nilapitan ako ng guard at inabutan ng plastic monobloc chair. Nangangalay na din talaga ako sa pagkakatayo ko.

Strange Feelings for a Stranger (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon