Chapter 25

6.7K 299 10
                                    

Anything with you, means everything to me.

****
Marahang iginala ko ang paningin ko sa loob ng bahay nila Caryss. I didn't know that she likes blue. Come to think of it, I haven't know anything about her but here I am claiming her to be mine.

I know few things about her gaya na lang na dati syang nainlove kay Bree na asawa ng pinsan nyang si Trance. Isa syang landscape architect. May kapatid syang isa at may-ari ng sandamakmak na restaurants nationwide ang parents nyang griyego. Ano pa nga ba?

Maybe it's a good start for both of us. She's right. We shouldn't rush things to happen. But I'll take all the time for us to happen.

Napangiti ako ng mapansin sa isang sulok ang bookshelf niya. Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin ng mapansin na puno ng mga libro iyon. Yung mga librong isinulat ko. Although hindi kumpleto dahil din siguro hirap ng makakuha ng kopya ng series na isinulat ko before kaya wala siya niyon. Pero bumawi naman siya dahil yung iba ay doble-dobleng kopya na.

"So you're a fan huh?" Nakangising pang-aasar ko sa kanya.

Nilingon nya lang ako mula sa pag-aayos ng mga damit niyang nangagkalat kung saan-saan. Natawa na lang ako dahil pati sa doorknob ay may nakasabit na bra.

"Bwisit ka Samara. Hindi mo man lang ako inabisuhan na pupunta ka." Inis na sabi nya at saka hinablot yung undergarment nya.

"E di nakapagtago ka pa kung sinabi ko?" Saad ko bago sya tinulungan magligpit. "Saan ba ito ilalagay?" Tukoy ko sa mga maruming damit niya.

Hindi sumasagot na kinuha nya lang ang mga hawak ko at pumasok sa loob ng isang kwarto. Paglabas nya ay wala na syang hawak.

"Sorry, medyo makalat. I was always busy doing my errands kaya minsan nakakalimutan ko na maglinis."

Tumango lang ako at tinitigan siya. Namiss ko ng sobra itong babaeng ito grabe.

"Kumusta ka dito?" Sumalampak ako ng upo sa sofa niya. Sobrang lambot.

"Okay lang naman. Kumain ka na ba?"

"Ipagluluto mo ba ko pag sinabi kong hindi pa?"

Umiling lang si Caryss at saka tumayo. Hindi man lang sya muna nagpalit ng damit at dumiretso lang sa kusina.

Medyo malaki din pala itong bahay nila Caryss dito. Di hamak na mas malaki kesa sa bahay ko sa Pilipinas. Sabagay, ano ba naman ang aasahan ko? Galing din naman sa prominenteng pamilya itong babaeng dragon na ito. Marahil ayun ang rason kung bakit pinayagan na din ako nila Mommy na ipursue ito.

"Gusto mo ba ng pasta o pancakes lang?" Naglabas siya ng hotdogs, ham, onions and garlic.

Binuksan ko yung cupboard niya at nilabas yung iba pang ingredients.

"Gusto ko ng pasta. "

Ngumiti lang sya at sinimulan na maghiwa.

"Buti di ka naligaw sa paghanap sa opisina namin?"

"Syempre. Ako pa ba?" Mayabang na sabi ko. Umupo ako sa counter top.

Tumawa lang sya ng mahina.

"Caryss?"

Umangat sandali ang paningin nya bago ibinalik sa ginagawa.

"Hmm?"

Sandali muna akong nag-isip bago isatinig ang gumgugulong iyon sa isipan ko. Siguro nga mabuti din yung maging honest kaming dalawa sa isa't isa di ba?

"May boyfriend ka ba?"

Muntikan na kong mabato ng kutsilyo ng tumingin ulit sakin ang naiinis na mata na iyon ni babaeng dragon.

Strange Feelings for a Stranger (Lesbian Story)Where stories live. Discover now