Chapter 4

10.2K 373 80
                                    

Sam

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nag.dya.jogging sa palibot ng village. Halos isang oras na yata ako tumatakbo pero himalang hindi pa ako nakakaramdam ng pagod. Ewan ko ba, ganito yata ang epekto sakin ng magandang kapit-bahay ko.

Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko ang pagiging pikon niya kagabi syempre pati na din ang pagiging sweet. Pag naaalala ko kung paano nya ko pinatahan dahil sa pang-aasar ni Yuri, di ko maiwasan ang hindi kiligin.

Straight ka Sam! Straight!!!

Napailing na lang ako. Hindi ko naman sinasabi na inlab na ko sa magandang kapitbahay ko. Duh!! Straight talaga ako!!!

"Straight ako!" Kumpyansang sabi ko Sabay ngiti.

"Hoy, nagsasalita ka na namang mag-isa, Sam!" Kantyaw ni Patrick , ang village doctor. Saktong napadaan ako sa tapat ng clinic nya na ini.open nya pa lang.

"Oo dok Pat! Exercise din ng vocal chords 'to." Nakangiting sagot ko. Napakamot na lang sa ulo ang batang doktor.

Sheesh!!!.

"Straight ako! Straight ako! Straight ako!" Paulit.ulit na sabi ko habang tumatakbo. Lumiko na ko sa street namin. Nagugutom na kasi ako kaya gusto ko na umuwi.

"Straight ako! Straight ako! " ulit ko ulit.

"Hoy, baliw!!"

"Straight ako, straight ak—— ayy, bended ako!"

Napatitig ako sa mukhang iyon. Malamlam na kulay brown na mata, perpektong kilay, matangos na ilong, at manipis at mamula-mulang labi.

At ayun na naman. Anyare? Akala ko ba straight ka?, kantyaw ng isang bahagi ng utak ko.

Heavens?!!

"Hoy baliw!!" Malakas na tawag ulit sakin ni pretty neighbor!

"Yes, honey?!" Nakangiting bati ko saka mabilis tumakbo papalapit sa kanya. Mababa lang kasi ang gate ng bahay nila Trance, hanggang bewang lang ang taas.

"Baliw, anong honey pinagsasabi mo dyan?" Kunot-noong tanong ni Caryss sabay batok.

"Ouch!" Nagiging habit nya na ang pananakit sakin sa totoo lang. Samantalang kagabi lang naman kami nagkakilala. Ang sama talaga ng ugali.

"Ano ba kasi yun? Nanakit ka agad. Hindi solusyon ang pagiging bayolente sa karahasan." Nailing na sabi ko.

Ayun , binatukan na naman ako. Aray!

"Pakisabihan mo nga yung aso mo na wag maingay. Busy kasi ako dito tapos ayaw tumigil sa pagkahol. Nakakaistorbo na sa totoo lang!" Nakapameywang na litanya nya. Ang ganda-ganda nya talagang titigan. "Kaparehong-kapareho ng amo nila."

Napatingin naman ako sa dalawang aso ko. Akita Inu kaya ang breed ng mga 'to.

"Pati ba naman aso ko problema mo?" Angal ko sabay pasok sa gate ng bahay ko. Hindi na lang ako umiimik na nilagyan ng dog food ang lalagyan nya ng food. Tumahimik naman sina Alice at Bella na parehong abala na sa pagkain.

Pagkatapos Kong gawin yun, dire-diretso lang ako sa bahay ko na hindi man lang lumilumingon sa kabilang bakod.

Naiinis ako sa sinabi nya na istorbo ako at ang mga aso ko. At kelan ko naman kaya ginawa yun?

Asar na asar akong naghilamos at nagpalit ng damit. Dinampot ko lang ang wallet ko saka lumabas ulit ng bahay para bumili ng pagkain. Hindi kasi ako marunong magluto.

"Psst!!"

Hindi ako lumingon. Ano ako aso? Kapal nya!!

"Psst!"

Strange Feelings for a Stranger (Lesbian Story)Where stories live. Discover now