Chapter 2

11.4K 464 56
                                    


---

"Have you already talked with Trance?"

I glance towards my dad's direction. He's looking intently at me.

"Nakailang tawag na din si ate Aubrey dito, Ate. Hinahanap ka. "Sabat ni Aries.

Awtomatikong nabitiwan ko ang hawak kong kubyertos ng marinig ang pangalan ng dalawang tao na anim na taon ko ng iniiwasan. 6 years! Ganun katagal na pala yun. Parang kahapon lang.

"I'll be returning to Italy soon. I don't have any plan on staying here so long." Kalmadong nagpunas na ko ng bibig at ibinaba sa ibabaw ng mesa ang table napkin.

"Stay on your chair until we finished eating!" My dad ordered as i tried to stand up. Agad naman akong napabalik sa upuan ko. Sa bahay na ito, lahat ng utos ng patriarch ang nasusunod.

"It's been a long time, honey. Can't you just forget and bury the hatches?"

"It's not that easy, Mom!" Mariing sagot ko. Sinasabi na nga ba na ito pa din ang issue dito sa pagbalik ko. Sa nakalipas na anim na taon, mag-isa akong nanirahan sa bahay namin sa Venice matapos ang alitan namin ni Trance. At dahil hindi naman ako nagtatago ng kahit ano sa pamilya ko, alam nila ang dahilan ng lahat. Alam nila ang tungkol kay Trance at Bree. Alam nila ang feelings ko kay Bree pati na din ang alitan namin ni Trance.

"Anim na taon na ang lumipas, Cary---"

"Exactly!" I spat. "Six years na Mom, six years na pero parang kahapon lang nangyari lahat!" Galit na sigaw ko. Bakit ba nila ako pinipilit na makamove-on agad-agad? Ano bang akala nila sa pagmo-move-on, simpleng bara sa lalamunan na pag uminom ka na ng tubig mawawala na? Ano yun, simpleng sugat lang na pag nilagyan mo ng betadine at tinakpan ng band.aid okay na? O di kaya'y trapik sa kahabaan ng edsa na uusad din pagkatapos ng ilang oras na paghihintay. Sana nga ganun lang kadali.

"Lower your tone to your Mom, Caryss. Hindi kami ng Mommy mo ang kaaway mo."

Napayuko na lang ako sa sinabi ni Dad. "I-I'm sorry..."

"Ate, tama na kasi yung six years. Let's all move on!" I eyed my baby brother Aries. Seventeen years old na 'to at second year college na. I was of his age nung nag-away kami ni Trance at nagsolo akong mamuhay sa ibang bansa. I need to flee para makapagmove-on.

I was a wrecked when i found out that Aubrey is already pregnant. Heck, she's only seventeen that time. And of all people, hindi sya yung tipo ng tao na sa tingin ko ay nadadaan sa pambobola ng kung sino-sino. I consider Trance as kung sino-sino. Si Aubrey kasi yung tipo ng tao na iniisip mo pa lang isahan, nacorner ka na at napatumba. Ganun yun ka.wais. Pero bakit kay Trance?  Heck, bakit sa pinsan ko pa?

I am ready to fight for her. I am ready to came out of my closet for her. Kaso huli na pala ang lahat. I was devastated---i failed my class, i lose the passion to continue everything. Ilang linggo ako nun na nagkampo lang sa kwarto at walang kinakausap. Good thing that i am not the suicidal type.

My family has been the source of my strength to move-on. They loved me for what i am. Nung nalaman nila yung totoo, halos araw.araw silang nagsasalitan sa pagbabantay at pagtyatyaga na makipag-usap sa akin. Iniisip yata nila na kakainin ako ng depression ko. That's why i have to pretend that i can handle the pain---na tila asido na sumisira noon sa sistema ko.

That thing change my perception in too many things. I then realize not to hold on into anything because it will only make me weak. I then realize na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko--may mga bagay na kahit gaano mo pa kagusto, kelangan mong bitawan kasi hindi para sayo. I then realize na walang true love--I stopped believing in happily ever after, the best ending, destiny, and fate. Isang malaking kalokohan ang maniwala sa ganoon. Binubulag lang ng mga salitang yun ang mga tao kaya hindi nila nakikita ang totoong reyalidad ng mundo. Dahil sa 'love-love' na yan kaya hindi ko nakita yung totoo. Kaya andaming nagogoyo at nasasaktan dahil sa salitang yan. Kaya sila nasasaktan kasi inaasa nila sa tadhana ang kapalaran nila--naniniwala sa luck na isang malaking kabaliwan. I've learned my lesson and i won't do the same stupid mistake ever again. I would rather live on my own alone than to give others the chance to kill me again.

Strange Feelings for a Stranger (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon