Chapter 6

8.3K 341 42
                                    

Sam

Nakarating din kami ng mall. Hay, after ng nakakabwisit na oras sa dyip. Waaahh, kahit kelan di ko na pasasakayin pa ng dyip ulit si Caryss. Masyado syang agaw-pansin without exerting effort. Paano pa kaya pag nagpapansin sya?

Nakakainis din kasi 'tong babaeng 'to. Masyadong eye candy. Bakit ba kasi ang ganda nya masyado?

Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi yung mga nasabi ko kanina. Basta na lang talaga lumabas sa bibig ko yun ng di ko sinasadya. Pero okay na din yun. At least bumait si Caryss.

Gusto ko lang naman makita ka at makasama..

Yikes! Straight ako pero tingin ko para ko na syang nilalandi sa nasabi ko. Waaahhh, bakit? Bended na ba talaga ko? E normal naman magkaroon ng girl crush di ba? Syempre mas strong ang bond ng girls sa kapwa babae because they don't have restrictions.

E kasi nga pareho naman kaming babae. Mas nagkakasundo at nagkakaintindihan kami.

Yea, nagkakaintidihan talaga kami kaya nambabatok sya at nagiging bayolente.

"Hoy, anong problema mo?" Napatingin ako sa kanya.

"Bakit ba kasi ang ganda mo?" Naiinis na tanong ko. Ngumiti naman siya ng nakakaloko sakin.

"Inggit ka!?"



Inirapan ko lang sya saka ako sumunod sa kanya. Dumiretso kasi sya ng supermarket.



"Aha!" Sabi ko na ikinapalingon nya.

"Para ka na namang sinto-sinto dyan." Sagot nya lang.

Natutuwang napakapit ako sa braso nya. "Ipagluto mo naman ako ng sopas."

Naglalambing na sabi ko.

"Feeling close lang?!" Sabi nya at tinaasan ako ng kilay saka pinalis  yung kamay ko na nakakapit Sa braso nya. Kumuha sya ng Big cart saka itinulak papunta sa area ng prutas.



Napanguso na lang ako habang mabagal na sumusunod sa kanya. Nakakairita lang yung pakiramdam na akala mo sikat na artista yung kasama mo kasi halos lahat ng atensyon ng bawat makakasalubong nyo nasa kanya.



"Nakakainis! Bakit ba sya tinitingnan ng lahat? Parang ngayon lang nakakita ng maganda!" Naiinis na mahinang bulong ko dahil halos lahat ng dadaanan ni Caryss ay pasimpleng hihinto at tititigan sya.. As in TITIG talaga na kulang na lang utusan ko pang kumurap man lang. Tapos tila hindi naman apektado 'to.



Manhid lang ba sya o sanay na sya?



"Hoy, Sam! "



Nagulat na lang ako at natigil sa paglilitanya nang tawagin nya ako. Mahigit limang dipa na din pala ang distansya naming dalawa.



"Bakit ba?" Inis pa din na tanong ko. E sa naiinis ako ee.



Natigilan naman sya at napatitig lang sakin. Hays, nagiging hobby na din nya 'to.



"Sige na nga. Kuha na lang tayo nung instant sopas." Sabi nya maya-maya. Napangiti naman ako.



Teka.. Instant sopas? Meron ba 'nun?



"Paanong instant sopas?" Takang tanong ko sa kanya.



"Yung sa LuckyMe meron nun." Patuloy lang sya sa pagtulak ng cart.



"Ano 'yun isasalin mo na lang? E di hindi na mainit."



Nilingon nya ko na para bang tinubuan ako ng tatlong pangil.



Strange Feelings for a Stranger (Lesbian Story)Where stories live. Discover now