Chapter 11

6.3K 359 12
                                    

Sam's POV

Ang ganda ng bahay nila Caryss. Napaka-homey. Yung tipong lagi kang excited uwian. Na para bang lagi kang magmamadali umuwi galing trabaho.

Nung sinabi kong ang ganda ng landscape. Totoo yun. Para kasi akong nasa secret garden of Oz, wait may book ba na ganun? Ahh, basta magandang garden. There were roses, sunflowers, and all varieties of flowers everywhere. Meron pa silang hanging garden dun sa pathway papunta ng lawn kung saan may stool at medyo may kalakihang table at mga chairs. Sa gilid nun ay may man-made lagoon na buhay na buhay kasi may mga lumalangoy pang makukulay na isda. Di ko kasi alam ang mga species nun kaya di ko ma.describe ng maayos. Sa pagitan ng falling water ay may glass. Kaya ang ganda ng effect ng pagbagsak ng tubig sa baba.

Napatingin naman ako sa may kakaibang puno. Sobrang laki nya kasi. Parang pekeng narra o kaya puno ng balete. Halos lumuwa ang mata ko nung makita kong may doorknob yung trunk ng tree.

"Wow, is that a door?" Amaze na amaze na turan ko sabay turo sa nakita kong doorknob.

Nakangiting tumango naman yung Mommy ni Caryss.

"Kaso nakalock yan. Haven kasi ni Caryss yan so we have no pass. Si Caryss lang may alam ng pass code nyan. " Sagot ni Mommy, este Mommy ni Caryss sabay turo dun sa maliit na dialpad na may mga numbers.

Agad ko tuloy nilingon si Caryss na nakakunot ang noo.

"Papasok ako dun!" Sabi ko saka tumakbo papalapit sa kanya.

"Ayoko!"

"Ang damot mo naman!" Inis na sabi ko saka sya tinulak papunta dun sa may puno. "Ilagay mo na yung passcode dali!"

"Ayoko nga. Kulit mo!"

"E bakit nga kasi ayaw mo?"

"Basta!"

Napapadyak na lang ako sa inis. Makulit din kausap 'tong babaeng dragon na 'to ee. Ang damot.

"Kain na lang muna tayo sa garden, Sam. " sabi ni mommy. Hays, buti na lang mabait 'tong mommy nya.

"Anong pagkain po? Hobby ko po ang pagkain. " sabi kong ngiting-ngiti pa. Tinaasan lang ako ng kilay ni Caryss.

"Ganun ba hija? Naku, daddy ipatikim mo nga kay Sam yung specialty natin sa Cobbo."

"Cobbo?" Takang tanong ko.

"Cobbo yung name ng restaurant na pag-aari nila." Sabat ni Caryss na nasa likod ko na.

"Wow! Ayun ba yung sikat na restaurant dun sa may timog?"

Nang tumango si Caryss ay tila nagwala naman ang mga alaga ko sa tiyan. Yumyum.. Mukhang mabubusog ako neto aa?

"Aha! Bakit ngayon mo lang ako dinala dito ?" Tuwang-tuwang sabi ko at saka nagmamadaling sumunod sa Mommy at Daddy nya.

"Matakaw ka kasi" bubulong-bulong na sabi ni Caryss pero dinig ko naman.

Napangiti na lang ako ng makita Kong napangiwi ang babaeng dragon matapos kurutin ng Mommy nya. Hah! Ang sama kasi ng ugali.

"Mommy, San nyo po ba ipinaglihi yang babaeng dragon na yan? " Natatawang sabi ko na ikinapalingon ng dalawa.

"Maka-Mommy ka sa mommy ko!" Irap ni Caryss saka umiwas sa kurot ng Mommy nya.

"Wow ha! Yung Mommy nadinig mo pero yung babaeng dragon hindi?" Sabat ng Mommy nya.

"Pwede ba Mom, wag mo kinakampihan yang baliw na weirdo na yan. May saltik yan."

"Hay naku, Mommy! Wag nyo na nga pansinin yang dragonesa na yan. Tara, kain na po tayo!" Awat ko saka umabrisyete sa mommy nya at tinungo ang way na papunta sa dining sa garden.

Strange Feelings for a Stranger (Lesbian Story)Where stories live. Discover now