chapter 27: teamwork and trust

21.5K 508 30
                                    

Chapter 27: teamwork and trust

Micla POV

 

Maaga akong nagising. Wala naman kasi akong katabi dito sa tent. Nnalo kasi ako sa jack and poy naming kagabi kaya solo ko ang tent!  Swerte no? kaso malas pa din kasi naiwan ko ang tablet ko sa room ko.

Lumabas na ako sa tent at nakita kong nakasara pa ang tent ng iba kaya tingin ko ay tulog pa din sila. Teka, parang nasa ibang lugar na kami ngayon? Sa pagkakaalala ko nasa isang disyerto kami. Pero bakit andaming puno dito? Bakit naging forest na to?

Baka iniba na ni sir ang dimension na kinabibilangan namin. Parang mas feel ko ang ganitong lugar. Ang gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko walang problema, lahat payapa.

"gising ka na pala" may bumati sa likod ko. Si Nicolo pala.

"hindi. Tulog pa ako. Nagsi-sleep walk lang ako" pambabara ko. Halata nang gising ako eh, nagtatanong pa.

Tumawa lang sya. Nababaliw na ba ito??? sana lang may malapit na mental hospital dito para naidispatsa ko na ito.

"I heard ikaw daw ang legendary earth element holder" napatingin ako sa kanya. Mukhang seryoso na pero naging awkward naman ang paligid.

"ewan" maikling sagot ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam. Hindi ko nga din alam na lumindol pala nung binugbog ako ni Myreana eh. wala kasi akong maalala noong mga panahong ito. 

"bakit di mo itry?" suggestion nya. By the way, nasa tapat nga pala ako ng magandang lawa at ramdam ko ang sariwang hangin.

"hindi ako uto uto at hindi din ako pinanganak para utusan ng isang unggoy na katulad mo." sabi ko sa kanya habang naka poker face. Nakita ko sa peripheral vision ko na napasmirk sya.

"walang kupas ah. mala Roshan lang ang dating. bagay kayong maging kambal! haha. Okay then, if that's your choice" natuwa ako nang bahagya nang maramdaman kong papaalis na sya. Pero agad akong nainis sa ginawa nya na hindi ko inaasahan.

TINULAK LANG NAMAN NYA AKO SA LAWANG PINURI KO PA NAMAN KANINA!!!

"BWISIT KA NICOLO!!!!" sigaw ko. Nabigla ako nang biglang nahulog din si Nicolo sa pool. Nagtaka ako. Nagdive din sya?

Nakita kong lumabas sa mga gilid gilid ng puno ang ibang kasama namin, ang ibang kagrupo namin. Lahat sila natawa. bwisit! bakit parang pakiramdam ko planado lahat ng to?

"wahahaha! Saib na nga ba at mangyayari to!" sigaw ni Roshan habang tumatawa ng walang bukas. Teka, kanina pa sila nandito?

"bwisit kayo guys! Kaya ayaw kong magpapain sa inyo eh!" sigaw ni nicolo sa kanila.

So all of this was planned. tss. sabi ko na nga ba. Nakakainis! Pinagplanuhan at pinagkaisahan nilang palabasin ang element ko. Bwisit! Bad trip!

Aahon na sana ako nang biglang tumalon pa ang iba naming kagroup. At nag lake party pa ang mga loko.

"sorry Micla kung nagkaisa kami sa pagpapalabas ng element mo. Curious kasi yung iba kung ikaw ba talaga. you know, mas maniniwala kami kung makikita namin from our own eyes" Paghihingi ng paumanhin ni Roshan. Buti pa itong babaeng to humingi ng sorry eh kahit na pilosopo yet sometimes slow.

Umahon na ako sa lawa at nagpatuyo sa isang sulok. Kukunin ko na sana yung panyo ko sa tent kaso napansin kong wala yung singsing ko.

Saan ko kaya yon nahulog? Part of childhood ko pa naman ito. Sayang lang at nawala sa isang walang kwentang activity. Tsk tsk tsk.

Nicolo's POV

 

Nagsimula nanaman ang activity. Nagstart nang magbigay ng instructions ang operator ng activity.

Enchanted Academy [editing]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ