chapter 23: back to EA?

27.3K 549 91
                                    

Chapter 23: back to EA?

Rosahan POV

 

Sumama na lang ako kay Nicolo. Sinakyan ko na lang yung trip nya. Sa totoo lang kasi hindi ko naman talaga alam kung anong pinagsasasabi nitong loko na to eh.

“hoy Philip Nicolo Erada saan mo ba ako balak dalhin hah!? At talagang hinatak mo pa ako palayo sa mga kaibigan ko hah!? Panira eh!”

“magpapatulong kasi ako!” tulong? Sa akin? Wow hah! Nice choice! Ako pa talaga.

Sasagutin ko n asana sya kung ano bang klaseng tulong ang kailangan nya, kaso biglang tumunog ang fire alarm ng LEU. Mukhang eto ata ang mas nangangailangan ng tulong ah.

Nagkatinginan kami ni Nicolo at sabay tumakbo sa hindi ko alam kung saan kami papunta. Tumigil muna kami saglit kasi hinahapo na ako. Napatingin ako sa paligid. Tinitingnan ko kasi baka nandito na sina Heira. Sana nakalabas na sila ng rooftop. Sana ligtas sila.

Sa di kalayuan, may nakita akong pamilyar na mukha. Mukha ng isang babaeng pilit na ginigising ang isa pang babaeng nakahandusay sa lupa. Teka… sina Blair ba iyon?

“Nicolo, sina Blair ata yun oh!” sabay turo sa direction ng mga taong nakita ko. Agad namin silang pinuntahan. At nakita ko si Amber na nakahandusay sa lupa.

“oh my gosh Blair! Anong nangyari kay Amber?” umupo na ako para tingnan ang kalagayan ni Amber.

“guys we need to bring her in the nearest hospital” suggestion ni Nicolo.

Agad naman syang binuhat ng lalaking katabi nya kanina. Tumakbo sila pero para lang kaming shunga dahil wala pala tong patutunguhan.

“guys may sasakyan ba kayo ditto? Wala kasing masyadoong sasakyang nadaan dito sa side ng LEU eh” gusto ko na sanang sabihin 'yung totoo? dito mo kami dinala eh!'

*Facepalm* hays. Ano ba to! Kung kelan naman emergency na eh! Hiniram ko ang cellphone ni Nicolo para tawagan si Yoichi kasi sya lang naman ang kakilala kong may sasakyan ditto ngayon pero nagulat nalang kami nang may dumaang van sa harap naming.

“sakay na!” sigaw sa amin ng nasa loob ng van. Nakita namin yung tour guide namin. Teka, pano nalaman ng mga to na nandito kami? Malalaman ko din yan mamaya.

Sumakay na kami sa loob. So bali ako, si Nicolo, si Blair, Amber at si hindi ko kilalang guy. Sino kaya to? At bakit kaya sila nasa LEU?

“ano bang nangyari sa inyo hah? Tsk tsk hindi kayo nakikinig sa rules na sinabi ko bago pa man tayo makaalis ng EA” panenermon ni kuya tour guide. Hanla! May rules pala na binigay si kuya? Hindi ko narinig! Baka yun yung time na iniiscan ko ang phone ko.

Nagulat ako nang may magsalita sa back seat. Isang babae na tingin ko ay nasa level ng Outclass. Maganda sya at matangkad. Pang beauty queen ang dating haha.

“kuya tour guide, gagamutin ko lang tong beginner hah!” paalam nya sa tour guide. Agad namang tumango si kuya Tour guide.

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now