chapter 9: typhoon

35.1K 910 96
                                    

chapter 9: typhoon 

" Uy Roshan tahan na!"

"oo nga best friend. Okay lang yan, may next year pa naman eh"

" uy wag ka na ngang umiyak! As if naman mananalo ka talaga sa mga yun no! bihasa na sila sa essay writing tandaan mo yan! Mas may experience na sila kaya tumahan ka na jan! malay mo may gumamit sa kanila ng element kaya natalo nila tayo? tss. it's just a simple thing Roshan"

Tama kayo. Umiiyak ako ngayon. Bakit? Natalo lang naman ako, natalo lang naman kami ni Blair. Akala ko magagawa kong manalo sa competition na ito. Masyado ata akong naging confident at masyado ata akong nag expect.

"guys. Ok lang ako. Kaya ko to hehe. OA lang siguro ako."

Nandito sina Nicolo, Blair at syempre sina Clair at Pearl. Nasa loob kami ngayon ng room namin. Nagpapasalamat ako dahil nandito sila para icomfort ako.

Pero hindi ko talaga mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Sabihin nyo nang mababaw ang dahilan ko. Pero, sa lahat kasi eto yung pinaka gusto kong gawin, dito ako pinakamagaling the previous years.

"oy! Akala ko ba okay ka lang? eh bakit nahagulgol ka pa dyan sa pag iyak?" tanong ni Nicolo

"ah haha namimiss ko lang siguro yung pamilya ko, pati sina Heira"

"tss. Ikaw lang ba nakakamiss dito hah? Wow. As if naman ikaw lang ang mag isa dito? As if naman kami kasama naming lahat ang mga mahal namin sa buhay!?" sermon ni Blair.

Napangiti na lang ako sa kanya.

*woossshhhh*

 

" Umuulan ba?"

"oo. Di mo alam? May bagyo kaya!"

"eh???"

"oo nga! Si bagyong Blair at signal number 2 na!" sagot ni Nicolo. The next thing I knew is may tumama nang thing kay Nicolo

"OY ANO! CLOSE TAYO PARA IPANGALAN MO NA NGAYON ANG BAGYO SA AKIN HAH! GRABE! WEATHER FORCASTER KA NA BA?"

"grabe naman to! Ikaw lang ba Blair sa mundo?"

*blag*

At ayun po, nag walk out si Blair. Ambilis magalit no? kabaligtaran ni Nicolo, super active yan. Haha. Yung isa mabilis mapikon, yung isa naman mabilis mampikon haha, gets nyo? may period ata si Blair ngayon haha.

Pero kahit ganito, aish. Hindi pa din tumitigil yung luha ko. Why o why?

Blair POV

 

Argh! Nakakainis talaga yang Nicolo na yan! Kanina pa namumuro sa akin yan eh! Alam nyo ba hah? Alam nyo ba na sinabihan nyan ako kanina na kung ako ba daw ba si Dora? Porke ba maikli ang buhok sabay may bangs dora style na!? aish! magpapa extend na nga lang ulit ako ng buhok bwisit!

Dumeretso ako sa kwarto ko. Mabuti na lang at wala dito room mates ko. Kasi kung nandito sila, mapipilitan akong pumunta sa ibang lugar.

  

Kinuha ko yung unan ko at sumigaw ng malakas na malakas! Sa ganitong paraan ko nailalabas ang galit ko. Kapag inis na inis ako, wala akong magawa kundi ang umiyak at sumigaw ng may takip ng unan ko ang bibig ko.

Oo, umiiyak din ako. Naiinis kasi ako. Hindi ko naman sya inaano, bakit nya ako kelangang pakealaman!?

Kung sinasabi nyong masyado namang mababaw ang pag iyak ko, pwes para sabihin ko sa inyo, maraming dahilan ang tao para umiyak. Maraming klase yan. may umiiyak dahil sa physical na sakit, or emotional. 

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now