chapter 18: confrontation

26.9K 566 19
                                    

Chapter 18: confrontation

Roshan POV:

 

“guys! Wala bang shopping mall dito sa academy?” ugh. Sa makalawa na kasi yung field trip and I don’t know what to bring. I mean, hindi ko talaga alam kung kumpleto yung stuffs na nasa bag ko. Gusto ko din bilhan ng pasalubong mga kapatid at nanay at tatay ko.

“tingin mo ba meron dito? Edi sana kung meron aaraw arawin ko na ang pagpunta sa mall na yan” naiiritang sabi ni Amber.

Kasama nga pala namin ngayon si Amber, Blair, Nicolo at Pearl. Nasa tambayan kami ngayon and pinag uusapan na naming lima ang field trip sa makalawa.

Tuwang tuwa kami sa mga pinaplano naming gawin. I mean nag seset na sila ng mga kalokohang gagawin namin pagdating ng fieldtrip. wala nga lang kasiguraduhang magagawa namin ang mga ito.

Sana maging Masaya ito kahit na kasama namin yung mga kabilang section, yung mga taga indulgent. Sa iisang bus lang kasi kami isasakay.

Inexplain na din sa amin ang mechanics nung field trip. First day, pupunta kami sa museum ng mga elemental holder. Yung iba daw kasi sa kanila, nakilala ng sambayanan dahil sa dakilang pagliligtas nila dito. Yung iba naman, tumalo sa mga taga Diablerie.

Speaking of Diablerie, diba sila yung bad guys? Pero bakit kaya hindi pa sila umaatake sa EA? I mean diba sa mga stories, once na malaman ng bad guys na may legendary sa good side, aatakihin na nila ito? Hindi naman sa hinihiling ko na atakihin ang Enchanted Academy ng Diablerie Academy hah? Pero nakakapagtaka lang kasi it seems that their so calm. May plano kaya ang mga ito?

Aish. Napakadami ko nanamang fino-formulate na questions sa utak ko eh. So yon, first day, museum kami. Second day, freeday kami. O diba ansaya! Makakabisita ako sa mga kaibigan ko! Pero may time limit din kasi yon. Hanggang 3 o’clock lang kami pwedeng gumala, tapos magtatagpo kami sa isang specific na lugar at magkakaroon kami ng activity.

Third day naman, were going home. Pwede kaming bumisita sa bahay. Doon namin muling mayayakap ang magulang namin, makakausap namin sila at makakapagtanong kami ng mga bagay bagay.

So all in all, three days kami don! Yehey! Three free days!!! pero syempre hindi totally free yon kasi may grade din yon and we have to achieve our goal, to know the elements that we are holding.

Napadako ang tingin ko kay Blair. Kanina pa sya nakangalumbaba at tila ang lalim lalim ng iniisip. May problema kaya sya? Ayaw kaya nyang sumama sa field trip? Nalaman na kaya nya ang element nya? Nakatingin pa din ako sa kanya kasi kanina pa kami tawa ng tawa dito, hindi man lang sya nakibo.

Unti unti ko syang nilapitan at hinagod ko ang likod nya. Napansin ko din ang pagtulo ng luha sa mga mata nya. Nakakahawa naman ang mga luha nya. Isa kasi to sa kahinaan ko, pag nakakakita ako ng taong umiiyak, nahahawa din ako. Kaya medyo nangingilid na din ang luha ko

“Blair ayos ka lang ba?” napatigil sila Nicolo sa pagtawa ng marinig nila akong kinakausap si Blair. Para namang walang narinig si Blair. tig Isang luha lang ang pumatak sa magkabilang mata nya. Inulit ko na lang ang pagtawag ko sa pangalan nya. Tila naman natauhan na ito.

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now