chapter 21: saved

24K 550 33
                                    

Chapter 21: saved

Amber POV

Hanggang ngayon pilit ko pa din pinagiisipan kung sino ang paghihigantihan ni Daisy at ng pinsan nya. At hindi ko na kinaya to kaya nagtanong na ako.

"Blair, may kaaway ba si Daisy?" medyo pabulong na ang pagtatanong ko sa kanya. Umupo na kami sa sit naming dalawa sa bus saka nya sinagot ng sign language ang tanong ko.

'meron. Madami'

Sabi nya. Marunong kami mag sign language nandahil sa kaadikan naming dalawa sa mga inspirational movies tulad ng Hellen Keller. And in this way, makakapagusap kami nang walang nakaririnig.

'sino sino? Kilala mo ba?'

Huminto sya at nag isip. Kung madami nga ang kaaway ng babaeng ito, hindi na ako magtataka kung matagalan sya sa pag iisip at pagsasabi sa akin. Hindi naman sya tulad ni ateng nasa youtube na kayang sabihi ang 50 states in just 17 seconds!

'recently si Roshan. Yun ang huli kong balita'

Ay! Oo nga pala! Yun yung time nung sa activity. Nandun ako pero hindi ko narinig yon. Nahihiya naman akong magtanong kasi baka akalain nila tsismosa ako.

"Kelangan nating protektahan si Roshan" this time, hindi na sya sign language. Mahina pa din ang pagkakasabi ko pero enough naman para marinig nya.

"bakit naman?" tanong naman ni Blair. Medyo napalakas ito dahilan para napatingin sa amin ang ibang school mates. Pero kalaunan ay nabawi din ang attention nila.

Ikinuwento ko kay Blair ang narinig ko sa comfort room. Kinuwento ko through cellphone. Alam nyo kasi madaming paraan ng communications. Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.

Nang matapos ko ang kwento, sumangayon sa akin si Blair kaya naman nakipagsundo ako sa kanya na kelangan naming samahan si Roshan dahil baka nga sya ang tinutukoy nila Daisy.

Nakatulog na kami dahil matagal tagal pa daw ang biyahe namin papunta sa hotel na paglilipasan namin ng gabi.

Micla POV


Hi. Ako nga pala si Michaela Clarix Benedicto. Micla for short. Naencounter nyo na ako in the previous chapters but this is the first time I had my own POV.

Description?

Gamer ako. Hindi yung tipong gamer sa love or what. Ang ibig kong sabihin sa gamer ay mahilig ako sa mga online games. I actually really do love technology.

War freak din ako. Pero nagagalit lang ako sa mga may kasalanan. Hindi ako nagwawala or nagagalit nandahil lang sa mga simpleng bagay. Kapag ako nagalit, may dahilan.

Fair akong tao, I guess. Gusto kong maging isang lawyer paglaki. Actually balak kong kumuha ng Polytechnic Science kaso nga lang wala eh, dito ako napadpad sa Enchanted Academy. This Academy ruined my life, it ruined my future, and it ruined my dreams. Biruin nyo? Nakuha ba naman akong papuntahin dito sa academy ng mas maaga sa totoong pasok ng estudyante sa EA? Ugh! It really sucks! Hindi ko na tuloy nagawang ienjoy ang last day ko sa bahay kasama ng mga bestfrends kong sina wifi, tablet, PSP, at Laptop.

Yeah, your right. Mas maaga nila akong pinapunta dito kaya bored ang first day ko dito. Naman kasi eh! Nakakainis! Pag ako talaga tinanggal nila dito matapos nila akong irecruit ng maaga ah tingnan nyo! Ipapapatay ko kay Jah'rakal, Troll Warlord.

"okay class, since malaki naman tong official hotel partner ng EA, you'll have your own rooms. Just fall in line there" sabi ng teacher sabay turo sa may accommodation area.

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now