FFY47

234 10 0
                                    

MIA

"Daddy how old aw you?"

"I'am 24."

Tumango-tango naman ito.

"When is yow biwthday, papa?

Napahilot nalang ako sa sentido sa daming tanong niya kay greg.

"September 30, baby."

"Okay.. Do you love my mom--"

Bago niya pa madugtungan ay sumulpot na ako sa usapan.

Matalino ang anak ko kaya alam ko ang ginagawa niya ngayon.

"Mason jace, I told you not to talk while your mouth is full."

Pagputol ko sa anak ko at baka kung ano pa ang maitanong niya dito kay Diam. Kita ko mismo sa kilos at sa mata niya ang pagkasabik sa ama niya. Kahit si Diam ay napansin ko rin ang pangulila niya kay mason. Dumiritso na agad kami dito sa mall dahil yun ang gusto ni Diam. Kung hindi ko lang siya pinigilan baka binili niya na lahat ang mga laruan na pinili ni mason. Walang minuto, segundo o oras na hindi siya nagtatanong sa ama niya, at kahit kumakain na kami ay hindi  niya parin pinalampas lahat.

"But I want to know mow about daddy!" Pagrereklamo niya. Narinig ko naman ang mahinang halakhak ni greg sa gilid ko.

"Baby, it's not mow, it's more."
Sabi ko.

"Baby, mommy is right, kumain ka na muna okay?"

Masayang tumango naman ito.

Alam kong marami siyang gustong itanong saakin. Kung wala lang ang anak namin dito baka kanina niya pa ako sinumbatan sa lahat. Hindi ko siya masisisi pag ganito nalang siya magalit saakin dahil sa ginawa ko. Sana nga, sana lang tanggapin siya ng lola niya, si tita threya. I know it is not that easy to forgive those who have hurt us. Pero ayoko nang magtanim ng galit pa sakanya. Kahit hindi man niya hinihingi ang kapatawaran ko ay matagal ko na siyang pinatawad. Hindi naman madali ang nangyari sa asawa niya. I know She is still in mourning for her dead husband. Kaya hindi ko siya masisi doon dahil parte rin kami sa kasalanang ginawa ni papa sakanila.

Pauwi na kami sa bahay at hindi parin maitago ni mason ang saya niya.

"Wew hew!!"
Sigaw ni mason.

Agad na bumaba kaming tatlo mula sa kotse.

"Daddy, lola is thewe."

"Really?"

"Yes, daddy."

Lumipat ang tingin ni greg saakin at seryoso akong tinitigan.

"I want you and mason to stay in my h---"

Bago niya pa madugtungan ay inunahan ko na ito.

"Ayokong iwan si mama dito, at lalo na ang bahay namin."

"Gusto kong makasama ang anak ko, mia." Diin niyang sabi.

"Daddy, mommy? Aw you two fighting?" Pagsulpot ni mason.

Mahinang napamura naman si greg. I glared at him.

"Nothing, baby. May pingausapan lang kami ng daddy mo." Sabi ko.

"Halika na pumasok na tayo."

Kinarga ko na ang anak ko sa braso ko at nauna nang pumasok sa bahay. Agad nadatnan ko si mama sa sala.

"O, andito na pala kay--greg?"

Umawang ang labi niy at pabalik-balik ang tingin saamin dalawa.

"Tita, kamusta na po kayo?

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Where stories live. Discover now