FFY12

183 11 0
                                    

MIA POV

Hindi ko mapigilan humikbi habang nakayakap kay greg.

Kung hindi siya dumating ay siguradong tuluyan na akong pinagsamantalahan ni marco. Nanginginig parin ako sa takot at hindi makapaniwalang kayang gawin iyon ni marco saakin.

Napakawalang kwenta niya!

Kumalas si greg sa yakap at tinignan ako ng mabuti sa mata. Ang galit niya kanina ay nawala at napalitan iyon ng awa at sakit. Hinawakan niya agad ang magkabilang pisngi ko.

"Are you okay? May masakit ba?"

Naramdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa hawak at lambing ng boses niya.

Iyon ang kauna-unahang makita kong magalit siya ng ganoon.

Umiling-iling ako ako at napakagat labi para iwasan umiyak sa harap nito. Niyakap ko siya ulit at tinago ang mukha ko sa dibdib biya.

Ayokong makita niya ang luha ko, ayokong makaramdam siya ng awa kaya niya ginagawa ito lahat saakin.

Ilang segundo ay napabitiw ako sa yakap ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita si maureen at audrey na mangiyak ngiyak na lumapit saamin.

"Omygod! Okay ka lang?"

"Sinaktan kaba? Asan yung gago mong ex?"

Hinawakan naman ako ni audrey sa braso at parang tinignan pa ito kung may pasa ba.

Sumulyap ako sa likod at nakita si marco na hawak hawak parin ang tiyan nito. Tumingin naman sila sa direksyon ko.

Halos hindi ko na masundan ang mga tanong ni audrey nang mapansin kong lumapit si greg kay marco.

Napatigil sila pagtatanong nang makita nilang hindi na ako nakatingin sakanila.

"Tayo!!"
Sigaw nito.

"Fuck you!!"
Sagot ni marco.

Napatalon ako nang bigla niyang sinuntok ang mukha ni marco. Napatili naman ang dalawa sa likod ko.

"Anong sabi mo?!"

Lalapit na sana ako para awatin ang dalawa nang marinig ko ang baritong boses mula sa labas.
Biglang nandilat ang mga mata ko nang namataan ko si sir casarro.

"Bakit nasira ang pinto?! Anong nangyari dito?"

Diritsong tanong nito. Agad Inilibot niya ang tingin sa loob.

Hindi parin gumalaw si greg sa kinatatayuan niya at nakikipagtitigan pa kay marco.

"All of you, follow me, right now!"

"Pero sir, hindi kami kasali dito."
Pag-angal ni audrey.

"Sir, tinul-

"I said, follow me, right now!"

Wala kaming magawa kung hindi tumango nalang sa gusto niyang mangyari.

Sumulyap ako sa likod ko at nakitang nakasunod na rin si greg saamin.

Pagkatapos nito, lalayo ako sakanya. Iiwasan ko siya. Ayokong masama siya sa mga gulo ko. Ayokong madamay siya kung anong meron ako ngayon.

Hindi na ako magtataka kung babalik kami ulit sa office ni Madam Gumabao. Napaangat ang ulo nito ng marinig ang pagbukas ng pinto.

"Mr. Casarro." Ngiti nito pero agad din naglaho ng makita kami. "Why are they here? At bakit andito nanaman ang tatlong 'yan? Trouble again?"

"Goodafternoon, Madam. Hindi ko alam kung anong nangyari sa loob ng classroom ko, pero nakita ko ang sira ng pinto doon. I want my students to explain everything who's at fault here.

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon