FFY40

172 11 1
                                    

Umalis na sila pagkatapos at ako nalang ang naiwan.

Pinayagan na rin ako pumasok sa loob. Hawak ko ang kamay niya ngayon at hindi matigil-tigil ang pagpisil, umaasang magising ko siya sa ginawa ko.

"Baby..

Nanatili ang titig ko sa buong mukha niya. Kahit sa pagtulog ay hindi ko maiwasang hangaan at pagmasdan ang matangos at mapormado niyang panga.

"Please, gumising kana."

Dinala ko ang kamay nito sa labi ko at hinalikan iyon. Ang daming text at tawag ang natanggap ko kay audrey at maureen pero ni kahit isa ay wala akong sinagot. Hindi na rin ako pumasok dahil gusto ko ako ang unang makita niya, gusto ko ako ang unang sasalubong ng yakap sakanya.

"Sobrang mahal na mahal kita."

Yakap-yakap ko siya habang nakahilig naman ang ulo ko sa dibdib nito. Biglang napaangat ang ulo ko nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si tita threya.

Mabilis na tumayo ako.

"Tita.."

"Why are you still here?"

"Po?"

Nakaekis ang braso nito at tumaas ang kilay niya saakin. Kahit nasa ganoong posisyon at kita ko parin ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Umalis kana, ngayon na."
Madiin nitong sabi na ikinagulat ko.

"Tita, alam kong galit kayo saakin pero hindi ko po sinasadya na mangyayari ang lahat na ito."

Hindi siya umimik at nakatingin lang sa ibang bagay.

"Sorry po, pero gusto ko muna siyang hintayin na magising bago ko siya iwan, bago ako aalis sa buhay niya. Totoo po ang sinabi niyo, ako lang ang nagdadala kapahamakan sakanya."

"I don't need your sorry here, mia. I want you to leave here and break up with him, right now!" Pagalit at diin na sabi nito.

"Alam kong galit kayo saakin. Sampalin o saktan niyo ako, okay lang.."

"I want you to stay away from him! Bibigyan kita ng pera para sa pag-aaral mo at umalis ka na sa trabaho, doon sa bar na pinapasukan mo. Pumunta ka sa ibang bansa at doon mo ipagpatuloy ang pag-aaral, kayo ng mama mo. Gusto mo naman mabuhay ng maganda, 'diba?"

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ito.

Pera? Tingin niya ba ganito na ako kadesperada mabuhay kami ng maayos  ni mama. Kahit gaano pa kalaki ang pera na ibibigay niya, hinding hindi ko iyon tatanggapin. Kayang-kaya kong buhayin si mama ng walang tulong sa iba.

Inintindi ko ang galit niya saakin, pero sa ganitong pang-iinsulto ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

At..paano niya nalaman ang trabaho ko? Sinabi ba ni greg ang tungkol doon?

"Lalayo po ako sakanya, sa anak niyo, pero hindi sa ganitong paraan. I'm so--"

"The hell I care! Umalis ka sa buhay niya! Ayokong magkaroon pa ng koneksyon ang anak ko sa'yo!"

Hindi ko kailanman maisip na ganito siya magalit. Ibang-iba siya sa nakilala ko noong una.

Hindi ko na napigilang uminit ang mga mata ko. Sobrang sakit pala. Akala ko kaya ko, pero hindi.

"Tita bakit nama--"

"Dahil ang ama mo ang pumatay sa asawa ko! Ang ama ni greg!"

Nandilat ang mga mata ko.

Pumatay?

Paano..

"Pumatay? Hindi po 'yan totoo.."

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon