FFY5

270 9 0
                                    

MIA

Alas syete ng umaga ng marating ko ang unibersidad. Kabado ako na naglalakad sa unang subject namin na english 2A. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pagnagkita kami ulit ni marco.

At oo, iisang skwelahan lang ang pinapasukan namin. May ibang subject din na magkaklase kami. Tulad ngayon sa alas otso kong klase. Kahit saan man ako magpunta ay lagi siyang nakasunod at nakabantay. Kahit anong iwas ko ay nakabuntot parin ang anino niya saakin.

Balita ko rin ay dito din nagaaral ang lalaking iyon na si damon. Hindi ko man siya makita personally, ay araw-araw ko naman naririnig ang pangalan niya sa mga kaklase ko. Hindi ako makapaniwalang kahapon ay nakilala ko na rin siya. Hindi ko inasahan na siya pala yung lalaki kahapon.

Agad na pumasok ako at nakitang iilan pa kami sa loob ng class room. Laking pasalamat ko naman at wala pa si marco sa loob.

"Oy, diane. Alam mo ba nagaway daw si marco at greg sa bar kahapon ng gabi."

Agad nanlaki ang mata ko sa narinig.

Tama ba ang naririnig ko?

"Omygod! O.M.G totoo? this is really a disaster. Sana 'di ako umuwi ng umaga kahapon, 'idi sana naabutan ko yung pangayayari!"
Sabay arteng hampas ni klowe sa upuan niya.

Nataranta ako ng biglang lumingon si Dianne sa kinauupuan ko.

"Mia, diba doon ka nagtratrabaho? Nakita mo ba ang nangyari kahapon?"

May ibang nakakaalam din sa trabaho ko doon. Pero kahit papaano ay hindi naman nila ako pinakialaman gaya ng iba na pinandirian ako. Minsan hindi ko nalang sila pinansin para wala ng gulo. Hindi ako nakasagot at nagkapa pa ng sasabihin. Magsasalita na sana ako ng naunahan ako ni klowe.

"Ano kaya ang dahilan?"
Nagtatakang tanong nito.

"Sabi nila may pinagtanggol lang daw si greg na babae."

Napatalon ako ng tumili si klowe.

"Omg!!! Kaya crush na crush ko siya eh!" Sabay hagikhik niya.

Nagtawan naman ang dalawa.

Agad na binalik nila ang tingin sa harapan. Nakahinga naman ako ng maluwag at nawala na ang atensyon nila saakin. Nakaramdam ako ng konsensya para sakanya. Sana 'di nalang siya nangingialam kung ano man ang ginawa ni marco kahapon. Ayokong pati siya ay pag interesahan ng mga kaibigan o ni marco.

Magiisang oras din bago dumating si marco. Nakita kong lumingon lingon siya at parang may hinahanap. Napasinghap ako ng huminto ang tingin niya saakin bago ito ngumiti. Napansin ko rin ang band-aid sa gilid ng pisngi niya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay at pilit na hindi siya tignan. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa gilid ko. Gusto kong lumayo at umupo sa pinakadulo pero hindi ko magalaw ang mga paa ko. Alam kong magwawala siya pag ginawa ko ang pagiwas sakanya.

You're sick marco! Gusto kong isigaw sakanya 'yon, pero natatakot ako kung anong possibleng gawin niya saakin. Ayoko namang mag skandalo siya dito.

Umaangat ang ulo ko sa harap at nakita ang mga kuryosong tingin ng kaklase saamin. Dahan-dahan kong tinagilid ang ulo ko at nakita ang mapangasar na ngiti ni marco.

Alam kong nangiinis siya saakin. Palibhasa ay hindi ko siya kayang itulak at ipagtaboy kaya ang lakas ng loob niyang kulitin at inisin ako sa maraming tao!

Napatingin ako sakanya ng marinig kong magsalita siya sa tabi ko.

"Do you know what I'm thinking right now, huh? I want you to ride on me, Mia. I've been waiting for that.."

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz