FFY6

215 9 1
                                    

MIA

"But madam, that asshole physically hurts her! Ginawa ko lang ang nararapat sa gagong 'yan! He deserves my punches anyway." He proudly smirked at marco.

Nakaramdam ako ng iba sa tiyan ko ng sabihin niya iyon.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni marco. Alam kong pinigilan niya lang ang sariling sumugod dahil nasa harapan namin si Mrs. Gumabao.

"Stop pointing, Mr. Damon! Stop making excuses. Hindi parin sapat na sumugod ka kay Mr. De La Vega."
Pagalit na sabi nito.

"That's what you deserve, asshole!"
Sabay halakhak ni marco.

Susugod na sana iyong lalaki nang biglang napatigil sa sigaw ni Mrs. Gumabao.

"You two! Hindi parin ba kayo titigil? At ikaw De La Vega, isa ka pa! You always getting into fights! Both of you! call your parents, now!"
Sabay hampas sa mesa nito.

Mga ilang minuto narin kami dito sa office ni madam. Hindi kami matapos tapos dahil sa bayangan ng dalawa. Sumama na rin ako para ipaliwanag sana ang kaguluhan kanina sa canteen. Hindi ko alam kung bakit sumugod pa siya doon. Sana hinayaan nalang niya kami ni marco. Alam kong iniisip na naman ni Marco na meron akong relasyon sa lalaking ito, kahit wala naman. Ni hindi nga kami nag-uusap ng lalaking ito.

At ano bang pake niya kong meron man? Wala na kami, tapos na kami!

"But madam!"
Sabay nilang pagkasabi.

"Don't tell me what to do, De La Vega and Damon. Kung ayaw niyo maulit ito, you two should avoid a fist fight! Call your parents, now." Diin na sabi nito.

Nagalala na tumingin ako sakanya habang nakaupo ako sa gilid. Ayaw ko naman maparusahan siya nang dahil lang saakin. Away namin ito ni marco at ayokong pati siya masali pa. Hindi ko na napigilan ay tumayo na ako.

"Madam, wala po siyang kasalanan. Ako naman po talaga yung dapat na pinagsabihan niyo.." Nakayuko kong sabi.

"And now..You're defending this idiot, Mia?" Sigaw ni marco.

Tatayo na sana si marco palapit saakin nang napasinghap ako sa biglaang paghila ng lalaki sa kwelyo niya.

Omygod!

"Don't you fucking yelled at her!" Nakita ko ang pagdilim ng mata nito.

"It looks like you already found your knight in shinning armor, huh?" Marco chuckled.

Kumukulo ang dugo ko nang marinig ko ang pagtawa niya.

Mas nirerespeto pa ako ng lalaking 'yan kesa sakanya.

Nakita ko ang pagtaas ng kamao ng lalaki para suntukin na sana ito, nang napatalon kaming tatlo sa hampas ng mesa.

"You two! Paghindi kayo titigil, E-sususpende ko kayo! Sa harap ko pa talaga mismo, really? And you Ms. Andrada, go to your next class, now!" Galit na utos nito.

"But..mad--
Hindi ko pa natapos ay pinutol na ako ni madam.

"Did you hear what I said, Ms. andrada?"

Kahit ayaw ko mang umalis ay nakita kong nawalan na ng pasensya si Mrs. Gumabao. Tumingin ako kay marco at nakita ang galit doon. Sa mata palang niya ay alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko, at natatakot ako sa gagawin niya saakin. Inilipat ko ang tingin sa lalaki at nakita ko ang pabalik-balik na
pag-igting ng panga niya.

"I'm so sorry.." huli kong sabi bago lumabas na sa office. Hindi ko na tinigtnan ang reaksyon niya nang sinabi ko iyon. Ang dami ko ng utang sakanya at ayoko ng maulit ito.

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon