FFY39

147 12 0
                                    

MIA

"Mia, Andito na si tita threya." Biglang sabi saakin ni Ian.

Umangat ang ulo ko at dali-daling tumayo para salubungin siya.

"Tita.." pabulong kong pagtawag.

"Tita, hindi ko po alam na mang--"

Sa hindi inaasahan ay malakas na sampal agad ang sumalubong saakin. Halos hindi ko narin magalaw ang katawan ko sa gulat.

Hindi lang isa ang natanggap ko kung hindi dalawang lagapak pa sa magkabilang pisngi.

"How dare you!"

"Tita!" Pagawat nila mio.

"Tita I'm so sor--"

"Magigising ba ang anak ko sa sorry mo?!"

Bago niya pa ako masampal ulit ay inawat na siya ni Ian at mga kasamahan nito. Dumalo naman si mama saakin.

"Okay ka lang ba, anak?"

Umiling-iling ako. Hindi ko na natiis ay bumuhos na ang mga luha ko sa mata.

"Wala kang karapatan para sampalin ang anak k--"

"M-mama, t..tama na! Ako na po bahala dito. K..kasalan ko naman talaga.."

"Buti alam mo!"

"Tita threya tama na po!"
Si Ian.

Patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko sa harap nila.

"I warned him! Kung nakinig lang si diam saakin ay hindi sana mangyayari ito! Hindi sana aabot pa sa ganito! Kasalanan mo ito, mia.." umawang ang labi ko ng makita ang pagpatak ng luha sa mga mata niya."K-kasalanan m..mo ito..lagi mo siyang nilalagay sa kapahamakan! Katulad karin ni..n.ni..bullshit!"

Katulad nino?

Hindi niya na nasundan pa at padabog na umalis at iniwan kami. Nang mawala na ito sa paningin ko ay doon ko na niyakap si mama.

"M-mama..

"Shh..tahan na. Magigising si Diam. Tiwala ka lang."

"Paano pag hindi.."

"Shhh..

Hindi ko siya masisi. Kasalanan ko naman talaga. Kasalanan ko kung bakit andito ngayon si Diam. Kasalan ko ang lahat na ito! Pwede namang ako nalang. Bakit siya pa! Bakit siya pa ang nabaril! Sana ako nalang ang binaril ni marco para matapos na ang lahat na ito!

Hindi ako makapaniwala! Hindi ko inasahan ito! Totoo nga ang narinig nila audrey. Sana nakinig nalang ako! Ang tanga-tanga ko para hindi paniwalaan iyon!

Hindi ko alam ang gagawin ko kung meron mangyayaring masama kay greg. Mas gugustuhin ko pang ako nalang ang makulong!

Kasalanan ko naman talaga ito diba?!
Hindi ito mangyayari kung hindi dahil saakin. Dahil sa kaguluhan na pinasok ko ay lagi siyang nadadamay!

--
Lumipas ng isang oras at hindi parin bumalik si tita. Wala parin kaming balita kay greg. Ang kaba at panginginig sa buong katawan ko ay hindi rin nawawala. Kahit anong pilit ko sa sarili na magiging okay lang siya ay hindi ko parin maiwasang mag-isip ng negatibong resulta para sakanya.

Kung kapahamakan lang ang naidudulot ko sakanya..lalayo ako. Ilalayo ko ang sarili ko.

Gumaling ka lang greg at lalayo na ako sa'yo, Please...

Please..gumising ka na..
Marami ka pang pangarap diba?

Bumaling ang tingin namin sa pinto nang sa wakas ay bumukas na ito at bumungad sa amin ang doktor.

"Sino ang kamag anak dito ng pasyente?"

Pinunas ko muna ang mga luha ko sa mata bago tumayo at humarap sakanya.

"A-ako po! I'm his girlfriend. Okay na po ba siya? Magaling na siya 'diba? Pwede na po ba akong pumasok?" Sunod-sunod kong tanong.

"He's okay, don't worry."

Nang marinig iyon ay para akong nakawala sa kweba. Agad nakahinga ako ng maluwag.

"Nakuha na namin ang bala sa katawan niya. He's lucky. Kung hindi niyo agad siya dinala dito baka may posibilidad na hindi na siya maabutan pa, but he's losing a lot of blood, iha. If you are eligible, your blood donations are needed as soon as possible."

"Type B po ako, dok."

"He needs type A."

"Doc, ako type A ako." Si Ian.

"Ako din, I can donate." Si regan.

"Then, that's good, but I have to check and ask you a few questions. Can you please follow me?"

Tumango ang dalawa. Sumunod naman sila mio at tristan.

"Babalik lang kami."

Nakangiting tumango ako.

Hindi ko na matago tago ang saya ko. Alam kong gagaling siya. Kaya niya ang lahat na ito.

Alam kong malakas ka, greg.

Pagkatapos nito lalayo ako. Totoo naman ang sinabi ng mama niya 'diba?

Ako lang ang nagdadala ng kapahamakan sakanya. 'yon lang ang dahilan para lumayo ako, para sakanya din naman ito.

Lumapit ako kay mama at umupo sa tabi nito.

"Mama, uwi na muna kayo. Ako na po bahala kay greg. Magpahinga ka muna."

"Dito lang ako, anak. Natatakot ako..paano pag balikan tayo ni marco? Kasalanan ko ito..sana hindi nalang ako tumawag sakanya, 'idi sana hindi na siya nadamay pa."

"shhh..huwag niyo po sisihin ang sarili niyo. Hindi naman natin ito ginusto, 'diba? Huwag ka ng mag-alala, mama. Pinahanap na po si marco. Alam kong mahuhuli siya at magbabayad sa kasalanang ginawa niya saatin lalo na kay greg."

"Sana nga, anak. Sana nga.."

Ibinaon ko ang mukha ko sa tiyan niya. Mga ilang segundo rin bago ko inangat uli ang ulo ko.

"Please, umuwi na muna kayo. Ako na po bahala dito. Kailangan ko rin makausap si tita."

"Paano pag may gagawin ulit siya sa'yo, huh? Hindi ako papayag na saktan ka lang niya, mia.

"Dapat naman talagang magalit siya saakin. Anak niya ang nabaril dito, kaya tatanggapin ko ang galit at sakit na ipaparatang niya saakin"

"Pero hin--

"Mama, please, kaya ko po ito. Huwag na po kayong magalala saakin."

Ngumiti ako sakanya nang makita ang dahan-dahan niyang pagtango.

"Basta magtext ka saakin pag may problema, okay?"

Tumango ako. Tumayo na ito at sumunod naman ako. Hindi pa kami nakalakad ay narinig na namin ang pagtawag ni mio.

"Mia, saan kayo pupunta?"

"Ihahatid ko lang si mama. Kailangan niya munang magpahinga."

"Pero delikado pa, hindi pa nakikita si marco."

"We'll drive you home tita. I'll call my daddy's bodyguard para mabantayan kayo sa bahay niyo."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Ian.

"Naku! Huwag na, Ian. Sobra na ang naitulong mo saamin."

"Don't worry about it, mia. Girlfriend ka ng kaibigan ko kaya dapat lang na protektahan ka namin habang wala pa siya dito. Baka pag gising nun bugbog agad ang matanggap namin pagnalaman niyang pinabayaan ka namin." Sabay tawa ng lahat.

Hindi ko naman maiwasang matawa at maalala ang ngiti at tawa niya.

Please, gumising kana. Miss na miss na kita. Gustong-gusto na kitang yakapin, Diam Greg Damon.

Gusto ko muna siyang makita at makausap bago ako aalis sa buhay niya. Maiintidihan niya naman siguro ako, 'diba?

Mahal na mahal kita, pero kung buhay mo ang mapapahamak dito, ako nalang. Ako nalang..huwag na ikaw, greg. Hindi ko kakayanin kung tuluyan ka ng mawala saakin.

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon