FFY8

198 8 0
                                    

MIA

"Mia, puntahan mo ang VIP Room 6. Kunin mo ang order nila doon." Utos nito.

"Okay po, Sir." Sagot ko.

Agad na pumunta ako doon sa sinabi ni Sir Jonas. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita kung gaano sila karami sa loob. Ang iba ay nakatalikod saakin, kaya hindi nila ako makita.

Napahinto ang paa ko palapit sakanila ng mahagip ng mata ko si Greg.

Andito siya?

Nang mapansin niya ang pagtitig ko ay napasinghap ako ng tumingin siya sa kinatatayuan ko.

Nakita ko ang gulat sa mukha nito, pero saglit ay nawala rin iyon. Bumaba ang tingin niya sa suot ko bago binalik ang tingin saakin. Tinignan niya ako gamit ang galit niyang mata. Ang hubog ng panga na pabalik-balik umigting.

Nagagalit ba siya dahil hindi ako nakapag Thank you? Ayoko naman kausapin siya rito habang nasa trabaho ako. Tapos andito pa ang mga kaibigan niya.

Lumapit agad ako at pilit na ngumiti sa harap nila. Nagulat ako ng bigla silang naghiyawan.

"Ohh! Looks! Who's here!"

Sabay tawanan ng mga ito. Hindi ko sila pinansin at tinanong nalang ang mga oorderin nila. Ramdam ko parin sa gilid ng mata ko ang pagtitig niya saakin. Kung nakakalusaw lang ang titig niya ay kanina pa ako natumba dito.

"Goodevening. Would you like something to drink, sir?"

"Hi, Mia!"
Sabay kindat ng lalaki na naging kaklase ko rin sa ibang subject.
Ngumiti lang ako sakanya.

Nagtanong ako ulit pero hindi parin nila iyon pinansin at iba ang natanggap kong sagot.

Halos lahat sila dito ay biniyayaan ng mga magagandang mukha. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong mga artista sila.

"Hi din, Mia!
Sabay kaway ng lalaking hindi familiar saakin.

Hindi ko alam kong bakit nila alam ang pangalan ko.

Nang dahil rin kay marco nakilala rin ako sa university na iyon. Isang sikat na soccerplayer si marco at hindi na ako magtataka kong paginteresahan din ako nila noong naging kami.

"Mia, ang gand---

Hindi na nadugtungan ng lalaki ang sasabihin niya ng magsalita siya sa gilid ko.

"Just get us some hard liquor. Thank you. You can go now." Malamig na utos nito saakin.

Inilista ko iyon bago tumango. Hindi ko pa naisara ay narinig ko ang pahabol na sabi ng kaibigan niya.

"Ang cold mo naman, dude!"
Sabay tawanan nila.

Hindi ko na nasundan ng maisara ko na ang pinto.

Galit nga siya. Nahihiya akong bumalik doon. Kung pwede lang palit kami ni reyan ng room. Kung gagawin ko naman ang gusto ko, baka magalit pa si Sir Jonas saakin.

Sana maabutan ko pa siya bago ako makauwi at ng makapag pasalamat man lang ako sakanya.

Hihintayin ko kaya siya sa labas?

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan balikan ang galit na binigay niya para saakin. Ang titig na nakapanglambot ng tuhod ko. Kung paano niya tinignan ang iksi kong damit ay para siyang nagagalit o nandidiri saakin. Siguro napapangetan siya dito. Konting tiis nalang talaga, pagnatapos ko na ang kursong ito, magreresign narin ako dito.

Pagkatapos kong kumuha ng hard liquor ay dumiritso na agad ako sa Room 6. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nasa tapat na ako ng pinto, pero hindi ko parin iyon binuksan. Pabalik-balik akong bumuga ng hangin dahil sa nerbyos ko.

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon