FFY14

168 7 0
                                    

"Salamat sa paghatid. Pwede kanang umuwi, kaya ko na ang sarili ko."

Ngumiti ako sakanya. Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas na sa kotse niya ng maramdaman ko ang kamay nito sa braso ko.

"I'll go with you."

"But k--

Aangal na sana ako pero pinutol niya na agad ang sasabihin ko.

"No buts, Mia. Paano pag balikan ka ng gagong 'yon, huh?"

"Lalaban ako. Bakit mo ba ginagawa ito? Kaya ko na ang sarili ko, greg. " Pagpupumilit ko dito.

Nakita ko ang pagkuyom ng panga nito sa sinabi ko.

"You w-what? You can take care of yourself, seriously?"

Nakita ko naman ang mapangasar niyang tawa.

"Y-yes."
Pagalinlangan kong sagot.

Napatawa ulit siya sa sagot ko, na para bang hindi siya naniwala sa mga sinasabi ko.

"No, you can't, Mia. Ni hindi mo nga naipagtanggol ang sarili mo kanina."

Napayuko ako sa sinabi niya.
Totoo naman talaga. Hindi ko kayang maipagtanggol ang sarili ko, ni hindi ko nga kayang magawang itulak si marco.

"Ayokong abalahin ka, greg. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Just don't ever think that way, Mia."

Hindi ako umimik at sinundan niya pa iyon.

"Just..just let me take care of you, Mia. Sa ayaw at gusto mo, I'll stay here. I'll drive you home after, okay?"

"I hope I'm not disturbing you, Am I?

Umangat ang ulo ko at nakita ang pagngiti niya saakin.

"You're not, okay?

Dahan-dahan akong tumango at hindi maiwasang ngumiti din sa harap niya.

"Thank you."

Agad na bumaba kami dalawa. Hindi ko naman mapigilan maalala ang sinabi niya saakin.

"Just..just let me take care of you, Mia. Sa ayaw at gusto mo, I'll stay here. I'll drive you home after, okay?

Napakagat ako sa labi at pinilit na alisin iyon sa isip ko.

Baliw ka na talaga, mia.

"You're smiling, aren't you?"

Nagulat naman ako ng magsalita siya sa gilid ko. Shit!

Nakita niya ba?

Magtatanong ba yan kung hindi?

"Baka hinahanap na ako doon, Halika ka na nga!" Pagiiba ko ng usapan.

Galing mo, mia!

Hindi ko nalang pinansin ang pagtatalo ng isip ko at pumasok na kami sa loob.

Hindi ko maiwasan mailang sa titig niya habang naghahatid ng inumin sa mga customer ko.

Hindi ba siya napagod kakaupo diyan? Pwede namang umalis na siya at iwan na ako ngayon. Dalawang taon na ako sa trabaho kong ito at kaya ko naman umuwi mag-isa.

Agad sumagip sa isip ko si marco. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya. Kung anong parusa ang binigay sakanya ni Ma'am Gumabao. Baka nadagdagan pa ang tagal ng pagkasuspende niya.

Sana naman matutunan niya na ito lahat. Sana tumigil na siya saakin dahil wala na siyang makukuha pa.

Habang naghihintay kami sa counter ay nagulat ako sa pagsiko ni reyan sa gilid ko.

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Where stories live. Discover now