FFY9

182 11 1
                                    

MIA

"Anong oras ka nakauwi, anak?"
Salubong agad ni mama saakin pagkalabas ko galing sa kwarto.

"Mag a-alas onse na po rin iyon, mama."

Alas singko ng umaga ay gumising na ako para sa klase ko ngayong araw na ito. Umupo ako sa kabilang upuan at sinimulan ng kumain.

"Buti naman at meron kang nasakyan kagabi. Mia, alam mo naman yung kasunduan natin, diba? Sa ayaw at gusto mo umalis ka na sa trabahong iyan pagnatapos mo na ang pag-aaral mo. Ayokong gabi-gabi nagalala ako sa'yo."

"Opo, mama. Kung marami lang tayong pera, hindi na ako papasok doon. Huwag ka na mag-alala okay? Kaya ko po ang sarili ko." Paalala ko dito.

Hinawakan ko ang kamay nito at pilit  e-wala ang pagalala niya saakin.

"Nangugulo ba si marco doon kagabi?" Pag-iibang tanong nito.

"Isang himala nga ma at hindi nag pakita ang baliw na 'yun, eh!" Tumawa naman si mama sa sinabi ko.

"Buti naman. Baka napagod na 'yun?"

"Sana nga po."

Kwentuhan lang kami ni mama habang kumakain. Minsan lang kami naguusap ng ganito, dahil sa dami na rin ng ginagawa ko sa araw-araw na pamumuhay. Hindi ko na rin sinabi sa kanya na hinatid ako ng ibang lalaki kahapon. Ayokong bigyan niya pa iyon ng malisya.

Pagkapasok ko sa unang klase ay napansin kong wala parin ang anino ni marco ang nakikita ko. Hindi naman sa hinahanap ko ang lalaking 'yon. Nagpapasalamat nga ako at walang De La Vega ang nakabantay saakin ngayong araw na ito.

Pagkarating ng professor namin ay seryosong nakikinig lang ako sa harap. Sana ganito nalang araw-araw 'yung wala akong pinproblemang bagay. 'yong walang marco ang pumipigil sa mga gagawin ko.

Saktong alas onse ay natapos na ang dalawa kong klase. Nasiglabasan na rin ang mga kaklase ko pagkatapos. Habang nagaayos ay nakarinig ako ng tili sa labas, pero hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagligpit.

"Uy, Mia! Sa wakas! Wala na si marco. Sabay ka saamin ngayon, ah?"

Umangat ang ulo ko at nakita si Mauren at audrey sa harap ko. Ngumiti ako ng malawak at tumango sakanila.

"Sige ba!
Maligayang sagot ko sakanila.

Tumayo na ako at sumabay na sakanila. Hindi pa kami nakalabas ay nanlaki ang mata ko ng makita ko siya sa tapat ng class room habang nakasandal ang likod nito.

Bakit siya andito?
Bakit niya nalaman na andito ako?

Naramdaman ko rin ang mahinang pagtili nila maureen at audrey sa gilid ko.

"Omygod!
Palihim na siko ni audrey sa gilid ko.

"Ang gwapo niya talaga, mia!"
Yugyug naman ni maureen sa braso ko.

Hindi parin ako makagalaw sa kinatayuan ko. Mas lalo akong kinabahan ng makitang ngumiti ito at lumapit saamin.

"Hey..
Nakangiting bati nito saakin.

Isang ngiti niya lang ay parang sumisikip na ang dibdib ko sa nakita.

Shit! Magkaka heart attack ata ako ngayon. Halos nag-uunahan ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Hindi ako sanay sa mga ngiti niyang ganyan. Kaya pala ang daming naghuhumaling babae sa kanya.

"Gorl, Hey daw, oh! "
Siko ni audrey saakin.

Bakit ba parang mas kinikilig pa sila kaysa saakin. Ako nga halos mamatay na sa nerbyos.

"Bakit ka andito?"

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Where stories live. Discover now