FFY11

172 10 0
                                    

MIA
"Well, thank you for today. See you around!" Paalam nito bago tumakbo sa klase niya.

Nagpasalamat naman ako at hindi pa nag a-alas dos ay umabot na kami.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako na may ngiti sa labi.

Nabagsak ang ngiti ko at halos napatigil ako sa paghinga ng makita ko ang umuusok na galit ni marco saakin. Ang kamao na pabalik-balik kumuyom. Nasa tabi siya ng upuan ko at hindi ko alam kung kailangan ko bang tumabi doon o hindi.

Naiilang na tumingin ako sa mga kaklase ko.

Hindi ko inasahan na makikita ko siya ngayon.

Bakit kailangan ko pang matakot?
Wala na kami diba?
Wala na siyang karapatan saakin.
Gusto kong tumigil na siya saakin!
Napapagod na ako, nakakapagod na siya!

Pero kahit anong kumbinse ko sa sarili, ay hindi parin maiwasan na matakot ako sa posibleng gawin niya saakin.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko bago umupo sa tabi niya. Ayokong tignan ang mga mata niya na puno ng galit.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang pumasok na si professor Casaro para sa klase namin ngayon.

Hindi ko nalang siya inintindi sa tabi at seryosong nakikinig sa harapan. Haharapin ko ito, haharapin ko kung ano man ang gagawin niya saakin.

Gusto ko ng matapos lahat.
Gusto kong tumigil na siya. Lalakasan ko ang loob kong protektahan ang sarili ko.

Ramdam ko sa gilid ng mata ko ang matalim na tingin niya saakin. Pinigilan kong hindi siya tapunan ng tingin at diritso lang ang pakikinig ko sa harap.

Magiisang oras din bago natapos ang klase. Naramdaman ko rin ang pagmamadali ng kaklase ko sa pag alis. Pati si maureen at audrey ay tinapunan lang ako ng tingin.

Napansin kong tumayo siya sa gilid ko. Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng sinara niya lang ang pinto. Napatalon ako ng hilahin niya ako at idiniin mismo sa pader.
Napa aray naman ako sa sakit.

"I saw you, I saw you with that, asshole! Ano! Kayo na ba, huh?!"

Sinubukan kong pumiglas sa hawak niya pero sobrang higpit nito. Nahihirapan akong tanggalin ang diin na hawak niya.

"Ano ba! N-nasasaktan na ako, marco!" Sigaw ko mismo sa mukha niya.

"Sagutin mo'ko!!"

Nanlaki ang mata ko sa lakas ng sigaw niya saakin. Gusto kong umiyak sa takot. Natatakot ako kung anong gagawin niya saakin. Hindi ko kayang lagi nalang ganito ang nahahantungan ko pag nagagalit siya.
Natatakot ako para sa sarili ko at kay mama.

"Bakit ka ba nagagalit! Wala na tayo! Wala! Wal---"

Hindi ko inasahan ay sinampal niya ako sa kabilang pisngi. Sa lakas ng sampal na natanggap ko, ay napatumba ako sa sahig. Hindi ko na rin napigilang umiyak sa harap niya.

Kahit si mama hindi niya nagawa na sampalin ako ng ganito. Pero siya?! Napakahayop mo, marco!

Gusto kong sigawan at hampasin siya. Pero Mismo ang sarili ko, alam kong wala akong lakas para gumanti. Nanghihina ang katawan ko sa lakas ng sampal niya saakin.

Kahit sa mata niya ay wala akong nakitang konsensya. Hindi parin nagbago ang galit nito saakin. Para siyang papatay na ng tao.

"Maawa ka, marco! Tama na! Wala na tayo..Tumigil ka na!" Naghihikbi kong pagmamakaawa.

Napatingin kami pareho ng marinig namin ang malakas na kalabog sa pinto.

"Mia!!
Sigaw galing sa labas

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora