FFY 21

170 10 1
                                    

MIA POV

Bakit naman ako ma eexcite? Ginawa naman namin ito noon ni marco, ah? Bakit ko nga ba prinoproblema ang susuotin ko? Date lang naman yun, ah?

Ahh!

Sinubunutan ko ang buhok ko sa dami ng iniisip. Pagkagising ko ay agad iyong kagabi ang naalala ko. Hindi ko na napigilan ang paglawak ng ngiti ko. Kinuha ko ang unan at tinakip iyon sa mukha.

Ano ba ang nangyayari saakin?

Biglang napaupo ako ng maayos ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Agad nakita ko ang pagdungaw ni mama doon.

"Lumabas kana diyan. Handa na ang pagkain."

Kagat ang labi ay tumango ako para iwasan ang pagngiti sa harap niya.

--

Mag alas kwatro ay nagsimula na akong mag ayos sa mukha. Hindi masyadong makapal at light makeup lang ang nilagay ko. Pagkatapos ay sinunod ko naman ang buhok ko. Kinulot ko ng konti ang dulo nito. Tumingin ako sa salamin at nakita ang itsura ko. Buti nalang talaga at marunong akong mag makeup dahil sa pinapasukan kong trabaho sa bar.

Binuksan ko agad ang kabinet at kinuha doon sa loob ang Speechless offshoulder Body-Con dress. A cute cross over chest detail lined. Bust cup ito kaya I can wear without a bra. Matagal na rin ang damit na ito na binili ni mama saakin noon debut ko. Kahit wala mang handaan ang naganap ay binilhan niya naman ako ng mamahaling con-dress.

Ang suot kong kapit na kapit sa baywang ko. Kahit ang cleavage ko ay kitang kita rin. Agad na pinaresan ko ito ng black rhinestrone strappy sandal. Tinignan ko ulit ang sarili ko at napangiti nalang sa resulta.
Napatalon ako ng biglang bumukas ang pinto at nakita ang gulat sa mata ni mama nang makita ang suot ko.

Well, maghanda kana, mia. Bugbog tanong ka ngayon.

"Bakit ganyan suot mo? saan ka pupunta? May date ka? Sino? Yung dg ba?"

"Mama!"

Napawaywang ito at hindi pinansin ang busangot ko sa mukha.

"May date po ako ngayon."

Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha niya.

"Talaga? Sino?"

"Siya po."

"Sino?

"Siya nga po."

"Si marco?!" Pasigaw niyang tanong.

"Mama, hindi! S-si dg, si greg."

"Saan siya? Nas--"

Naputol agad ang pagtatanong nito nang biglang tumunog ang cellphone ko. Lumapit ako doon at nakita ang pangalan niya sa screen.

"I'm here, already."

"Lalabas na ako."

Agad na binaba ko ang tawag at hindi na hinintay ang sagot.

"Sino ba iyan? Pwede ko na bang makita? Nasa labas ba siya?"
Sunod-sunod niyang tanong.

Napahilot nalang ako sa sentido.

Si mama talaga nagmana kay boy abunda.

"Mama, Huwag muna ngayon. Pero sinisigurado kong makilala niyo din po siya, okay?"

"Sige na nga."

Ngumiti ako at niyakap siya.

"Magingat ka po rito mama."

"Basta mag enjoy ka lang ha? Magtext ka saakin pag may kailangan ka."

Tumango ako bago nagpaalam at lumabas na ng bahay.

Fight 4 You (Diam Greg CTGB Series#1)Where stories live. Discover now