"No thanks. Maaga pa naman. May masasakyan pa ako." Sagot ko.

At isa pa, hindi niya pwedeng malaman na nakatira ako sa bahay kung saan siya lumaki! Lalong liliit ang mundong ginagalawan naming dalawa!

Heck. I should really start looking for a place to rent.

"Sige, sabi mo eh. Mag-iingat ka." Aniya at saka umalis na. Mukhang papunta sa kotse niya. Hmm. Mabuti na rin ito na alam niya kung paano dumistansya.

Halata naman siguro na hindi pa kami maayos.

Umalis ako sa bahay niya ng hindi niya alam dahil masakit ang loob ko. Umalis ako na hindi kami maayos. Hindi naman pwedeng automatic kaming maging okay, hindi ba? We would have to work on it. That is if mangyayari pa 'yun.

Wag ko nalang isipin. Kain nalang akong manok.

•••

"Maganda 'tong apartment na 'to. Gusto ko na 'to." Sambit ni Jenna nung dinala ko siya sa apartment na nahanap ko. Balak kong kunin na ang unit na ito kaso may naka reserve. Kung sakaling hindi makapagbayad ng deposit ang mga yun ay saka palang ako tatawagan ng may-ari.

Katamtaman lang ang size ng apartment at maganda ang interior. Affordable naman ang monthly rent at walking distance lang siya mula sa work ko. Pak na pak na ito.

Sana lang talaga, hindi makuha nung unang nakapagreserve.

Teka, di ba parang bad yun? I'm hoping for somebody to be at a disadvantage, all for my benefit.

"I'm happy that you are being independent pero mamimiss kita." Niyakap ako ni Jenna. "Mamimiss ko yung kwentuhan natin every night bago matulog."

"I have a week left pa naman eh. Saka there's always a way. Pwede naman kitang tawagan after my shift." Sabi ko.

"Iba pa rin 'yung personal." She pouted. "Siya nga pala, birthday ni Exodus bukas. Gusto niya sa bahay gawin yung party kasi tuwing birthday niya namimiss niya si Lola. She died on his 10th birthday."

Ouch. That stings.

"Okay lang ba sayo?" Tanong ni Jenna.

"Ha?" Awkward akong tumawa. "Ano ka ba. Bahay niyo yun."

"I mean, baka kasi pagod ka sa work, tapos..."

"I get it. Iba ang inaalala mo. Dahil ba may chance na magkita kami ni Henry? Don't worry, nagkita na kami. Hindi naman kami nagbangayan. He acted like an adult. We'll manage, somehow."

"Really? Actually sabi niya hindi siya makakapunta. Pero oo inaalala ko pa rin na baka bigla siyang dumating. Eh alam ko naman na hindi kayo okay."

"I'll just stay out until matapos kayo." I suggested.

"Ih? Pwede ba naman 'yun?" She frowned.

"Why not? I'll stay somewhere safe tapos uuwi nalang ako kapag tapos na ang party." Sabi ko.

"But I want you to be there." She said. "Ipapakilala ko kasi yung boyfriend ko and I want you to be there."

"Ano?!" Tumawa ako. "Kailan pa 'yan?!"

"Kakasagot ko lang sa kaniya kahapon." Tinakpan niya ang kaniyang mukha. Kinikilig ang bwisit.

"Talaga? Dapat lang talaga nandoon ako." Sabi ko.

"Sure ka? Okay lang sayo na baka dumating si Henry?" Tanong niya, hindi pa rin maitago ang kilig sa kaniyang mukha.

"Ang kulit nito. Oo nga sabi. Wag kang mag-alala." Sabi ko. "Hindi naman siguro sisirain ng pinsan mo ang birthday ni Exodus dahil lang andon ako diba?"

Tumango siya, halatang excited.

"Sino ba 'yang lalake na 'yan at parang baliw na baliw ka sakaniya?" Tanong ko.

"Basta. Ipapakilala ko sa'yo bukas." Sagot niya.

"Saan mo nakilala?"

"Actually, nagkakilala kami last year pa nung nag outreach program kami somewhere in Buena Vista. Tapos naging friends kami sa Facebook..."

"Uh-huh?" Nagtaas ako ng kilay.

"Paige naman eh!" Hinampas niya ako ng mahina. "I know it's too fast, pero gusto ko na talaga siya mula noong una ko siyang nakita."

"Dahil gwapo?" I asked, one eyebrow reaching the ceiling. "Eh nagkita ba kayo ulit after that?"

"Oo gwapo." She replied. "Nagkita kami nung isang araw."

"Tapos kayo na agad kahapon?" Natatawang sabi ko.

"Ih, Paige naman eh. Wag kang tumawa." Aniya. "Galing pa yun ng Buena Vista tapos pumunta pa dito para lang makita ako."

"Nasaan siya ngayon?"

"In some hotel..."

"Sigurado kang hindi fuckboy yan ha?" Pagtataray ko.

"Oo." Aniya. "At kung fuck boy man siya, babaguhin ko siya."

What? Can she hear herself? Alam niya ba yang mga sinasabi niya?

Gusto ko sanang sabihin na, "you can't change a person, Jenna" pero am I even in the position to burst her happy bubble? Just because I'm single doesn't mean my friends must be single, too. Hindi naman ako ganoon ka-greedy.

"Osiya. Whatever Jenica Nadine Montañer wants, susuportahan ko." Sabi ko.

At nakapagsabi na naman ako ng bagay na mukhang hindi ko mapaninindigan.

When The Heart Beats (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon