(93) Nakaraan

15 1 0
                                    

Nagbabalak bumalik sa nakaraan.
Paano nga ba? Bakit pa? Kaya ba?
Samu't saring tanong ang sumusulpot sa isipan.
Tila hindi mahanapan ng mga kasagutan.
Nalilito, naguguluhan.
Patuloy na umaasang makakabalik pa,
Kahit alam naman sa sarili na imposible talaga.
Pero sabi nga nila, habang may buhay, may pag-asa.
Kaya kung ako sayo, magsimula ka na lang sa umpisa.
Huwag saktan ang sarili, huwag magpakatanga.
Kahit pa sabihing nahihirapan at nasasaktan ka sa kasalukuyan.
Mas masakit kung ang tapos na ay pilit pa na binabalik, lalo kang mahihirapan.
Mabuhay ka sa kasalukuyan, huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan.

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now