(46) Saglit

25 4 0
                                    

Nakaupo sa isang sulok, iniisip ka at naghihimutok
Hindi mo man lang ba titingnan ang aking mensahe?
Kahit tingnan lang oh, kahit wag ng sagutin pabalik, nag babakasale.
Kahit saglit lang na oras ialay mo naman
Hindi ko naman kayang ako lang ang nagmamahal
Uhaw sa oras, sa segundo, sa minuto na alam kong kaya mo namang ialay
Pero bakit sa akin ito ay ipinagdadamot
Ayaw mo na ba talaga sa akin?
Kahit saglit lang naman, pagbigyan mo na
Kelangan lang kita
Kelangan ko lang ng pagmamahal mo
Ng yakap mo, ng mga salitang lumalabas sa bibig mo na nagpapagaan ng loob ko
Kahit saglit lang, mahal.
Bigyan mo naman ako ng kaunti, katiting na atensyon at pagmamamahal.

100 Tula Para Kay JWo Geschichten leben. Entdecke jetzt