(72) Ibon

26 1 0
                                    

Malaya ka na.
Aalisin na kita sa aking hawl.
Malaya ka ng gawin ang iyong gusto.
Wala ng pipigil sa paglipad mo.

Dahan dahan lang, huwag bibiglain.
Nasasaktan ako, sa pagpapalaya ko sayo.
Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan.
Na kahit pinapaalis na kita, gagawa ka pa rin ng paraan.

Pero mukhang huli na ang lahat.
Mukhang desidido ka na sa desisyon mo.
Desidido ka ng iwanan ako.
Mas gusto mong maging malaya kesa ipanatili na mahalin at huwag maiwan, ako.

Kung maisipan mo mang bumalik,
Handa akong tanggapin ka ulit.
Pero sa pagbalik mo, siguraduhin mong marunong ka ng makuntento.
Kasi, kapag bumalik ka, hindi na kita kayang palayin pa.

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now