(7) Kailan?

189 7 1
                                    


-
Kailan ba ako titigil sa pagpapakatanga sayo?
Kailan ko ba matatanggap na hindi na maibabalik pa ang dating tayo?
Kailan kaya sasagi sa isip ko na kalimutan ka?
Kailan kaya tatanggapin ng puso ko na meron ka ng iba?

Kailan mo ba mapapansin ang nararamdaman ko?
Kailan mo ba makikita ang presensiya ko?
Kailan ba matitigil yang pagiging manhid mo?
Kailan ko din ba ititigil ang pagiging martyr ko?
Kelan mo kaya siya pagsasawaang mahalin?
Kelan kaya sasagi sa isip mo na andito lang ako, ang taong kayang kaya kang mahalin?

Kailan ka ba titigil sa kakaasa sa kanya?
-Alam na siguro ng sarili mo na hindi ikaw ang gusto niya diba?

Ako kaya, kailan ako titigil sa kakaasa sayo?
-Kahit alam ko na din namang natauhan na ang puso ko. Na hindi na ako ang iyong gusto. Gusto? Nagustuhan mo nga ba ako? O para sayo, iyon ay isa lamang laro?

Kailan kaya darating ang oras na tayo na ulit para sa isa't isa?
Kailan kaya darating ang oras na, ang "Ikaw at Ako at Siya", ay "Ikaw at Ako" na lang ang matitira?

Kahit ganun, tandaan mo lang na andito pa rin ako para sayo.
Hindi ko na ititigil yung pagiging martyr ko, alang-alang lang sayo.
Andito ako, bilang kaibigan mo.
Huwag mo na lang isipin na may gusto ako sayo.
Huwag mo na lang isipin na nasasaktan ako.
Kasi, baka isipin mo, mas pinapahirapan pa kita.

Pero..
Hanggang kailan ba ako aasa?
Hanggang kailan ba ako magpapakatanga?
Hanggang kailan ba ako maghihintay hanggang sa matauhan ka? Hanggang sa matauhan ako?
Kailan? Hanggang kailan ba?!

-ShaneNicole

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now