(92) Babalik

18 1 0
                                    

Hindi ko balak na iwan ka,
Hindi ko gustong masaktan ka.
Pero kailangan ko lang mapag-isa.
Hahanapin ang sarili,
Ako'y naguguluhan pa.

Babalik ako, pangako.
Tandaan mo, ikaw lang ang mahal ko.
Subukin man ng panahon,
Matatag ito parang alon.

Wala kang ginawang mali.
Sarili ko sinisisi.
Kaya huwag kang mag-isip ng masama,
Lahat ng ginawa mo'y tama.

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now