(61) Dapit Hapon

68 1 0
                                    

Dapit hapon.
Ako'y nakatitig.
Ang malawak na kalawakan.
Nakaagaw ng pansin.

Dapit hapon.
Ako'y natulala.
Napaisip bigla.
"Nakikita niya rin kaya ito?"
"Sana kasama niya ako"

Dapit hapon.
Ako'y humiling.
Kami sana'y magtagal.
Mapuno sana ng pagmamahal.

Dapit hapon.
Ako'y napatanong.
Kakayanin ba namin?
Kakayanin ba?

Dapit hapon.
Ako'y nangako.
Na kahit siya'y malayo.
Ako'y maghihintay.
Para sa tamang oras.
Distansya lang yan.
Ang meron kami,
Pagmamahalan.

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now