(64) Kapeng Nanlamig

18 1 0
                                    

Hindi dapat ako nagsasayang ng luha para sayo.
Hindi dapat pinagtiyatiyagaan ang mga manloloko.
Dapat sa mga manloloko, pinapatay.
Pinupugutan ng ulo, tapos ihahanay.

Nakakainis. Nakakayamot.
Tama nga, na huwag gawing mundo ang dapat tao lang.
Kasi sa huli, ikaw pa rin ang masasaktan.
Ikaw pa rin ang matatalo.

Pero bakit magpapatalo kung pwede namang lumaban?
Ay, hindi na pala pwedeng lumaban.
Naputol na pala yung dapat na pagkapitan.
Nawalan ng pag-asa, nabigo, nagmukhang tanga.

Minsan naiisip ko,
Minahal mo ba talaga ako?
Kasi sa totoo lang, nagdududa ako.
Baka sa pakiramdam ka lang ng pagmamahal nahulog.
Hindi sa akin; yung utak at puso mo nga muna, pakialog.

Ang init ng pagmamahal noong una.
Parang isang kape, nakakapaso.
Pero tulad ng kape, kapag pinabayaan,
Yung init, mapapaltan ng lamig.
Ganun siguro ang nangyari sa ating dalawa.
Sayang lang; tapos itatapon kapag nagsawa na.
Kaya ayun, mapupunta ang lahat sa wala.

100 Tula Para Kay JWhere stories live. Discover now